^

Pang Movies

Karla nagka-career uli dahil kay Kris

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Maganda ang kumbinasyon ng mga bidang sina Robin Padilla, Kris Aquino, at Anne Curtis sa Kailangan Ko’y Ikaw.

Gagampanan ni Kris ang karakter ni Roxanne na isang masunuring anak at mapagmahal na kapatid kay Anne pero iisang lalaki ang kapwa nila napupusuan (si Robin).

Kasama ni Kris si Karla Estrada bilang best friend niyang si Apple.

Sa kabilang banda, sinabi ni Karla na pinasaya siya ni Kris noong Kapaskuhan dahil isinama siya ng kaibigan sa teleserye.

Mula sa direksiyon nina Malu Sevilla at Joyce Bernal, malapit na itong mapanood sa ABS CBN’s Primetime Bida.

Sinabi naman ni Robin na kung noo’y spoiled si Kris, ngayon ay hindi na dahil marunong na itong makisama at totoong tao na.

Iba na rin ang tema ng kanilang pag-uusap ngayon na tungkol sa buhay-Pilipinas.

“Hanga ako kay Kris dahil genuine ang paki­kisama nito sa mga tao at mataas ang respeto ko sa kanya,” sabi ni Robin.

Jennylyn ayaw nang pag-usapan si Patrick

Maswerte ang 2013 kay Jennylyn Mercado dahil ratsada ang career nito. Meron siyang Hot TV, Party Pilipinas, at Indio katambal si Sen Bong Revilla Jr. Nakalinya na rin ang isang pelikula, kasama sina Lovi Poe at Paulo Avelino.

Proud ang aktres na kabilang siya sa Indio at balik-tambalan sila ng politician-actor. Nagkatambal na sila sa Resiklo kung saan buntis pa nun si Jen.

Puro positibong bagay ang gusto nitong isipin at hindi negatibo kung saan ayaw nang pag-usapan pa si Patrick Garcia. Mas close na ang anak nila ni Patrick kay Luis Manzano .

vuukle comment

INDIO

JENNYLYN MERCADO

JOYCE BERNAL

KARLA ESTRADA

LOVI POE

LUIS MANZANO

MALU SEVILLA

PARTY PILIPINAS

PATRICK GARCIA

PAULO AVELINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with