Sisterakas at One More Try naiwan sa ilang sinehan!
Patapos na ang pamamayani ng local films sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF). Nagbukas na kahapon sa mga sinehan ang naglalakihang Hollywood films.
Sa mga naghahabol pa rin sa MMFF, kahit regular showing na ng tatlong foreign films na Jack Reacher, Red Dawn, at Life of Pi, palabas pa rin ang One More Try at Sisterakas na naiwan sa maliliit na malls na may apat na sinehan lang. Ang sabi ng ilang cinema attendants, naiwan ang dalawang Star Cinema films dahil kumikita pa pero kumonti na rin daw ang pumapasok.
Sa malalaking malls sa Manila, Makati, at ibang parte ng Metro Manila na may higit sa apat na sinehan ay nagpapalabas pa ng El Presidente: The General Emilio Aguinaldo Story and the First Republic at Si Agimat, si Enteng, at si Ako.
Kung paborito ang Robinsons Movieworld at SM Cinemas, makakapanood pa ng Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion at may El Presidente pa. Ibinalik din nila ang The Hobbit.
Sa Newport Cinemas naman sa Pasay City ay Sisterakas na lang naiwan. At puwedeng i-text lang pala ang inquiry sa kanila sa 0917-8788811 o sa 0917-8380111 kung nagbabalak manood.
Nang sinubukan ko, pinadala na nila ang buong schedule at pati ticket price. At sa dalawang araw na -- Jan. 10 at 11 -- ha? Napaka-convenient!
Sa Power Plant sa Rockwell Makati ay hinati lang sa isang sinehan ang One More Try at Sisterakas at Hollywood films na ang iba. At sinabi ng teller sa phone inquiry na hanggang ngayong Huwebes lang ang dalawang MMFF entries sa kanila.
Sa Shang Cineplex sa Shangri-La Plaza sa Mandaluyong City ay hanggang ngayon lang din ang One More Try. Wala silang Sisterakas. Ibinalik din nila ang The Hobbit. ‘Tapos madadagdagan ng Dark Zero Thirty bukas, Jan. 11.
Sa Araneta Center naman ay sa website nilang www.aranetacenter.net lalabas ang movie schedule.
Medyo nakakadismaya lang sa hotline ng Ayala Malls dahil paulit-ulit lang ang recorded message nila at walang operator na sumasagot. Mabuti pa ang website kung ganun. O kaya ay tingnan na lang sa diyaryo.
O, ano? Relax, see a movie na!
***
May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]
- Latest