^

Pang Movies

Gina Alajar idinenay na nadi-delay ang sahod sa Kapuso

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - The Philippine Star

“What a way to greet my Sunday morning, hindi totoo na nadi-delay ang sahod ko sa GMA,” sagot ni Direk Gina Alajar sa tweet na “Director at batikang actress na si Gina Alajar hindi pa natatanggap ang sahod.” 

May kasunod pa itong tweet na aalis daw ba siya sa GMA dahil delay na ang suweldo, hindi pa buo. 

Kaya sagot ni Direk Gina, “Hindi ako aalis sa GMA, blatant lie iyon dahil on the dot ang suweldo namin doon.”

Nagpasalamat si Direk Gina na compensated lahat ng mga ginagawa niya sa GMA at never ngang na-delay ang sweldo nila ng mga artista at production staff niya ng dinidirek niyang afternoon prime na Magdalena (Anghel sa Putikan) na nasa last two weeks na lamang na napapanood after ng Sana ay Ikaw Na Nga.

Inamin din ni Direk Gina na ngayong patapos na ang taping nila, naaawa nga siya sa character ni Bela Padilla as Lena dahil ito na ang sunud-sunod na pinapahirapan  ni Baron (Ryan Eigenmann) na noong taping day nila last Friday ay isinugod nila si Bela sa ospital dahil sa matinding sakit ng tiyan. 

Pero very professional si Bela. Kahit maaga pa ay nara­ram­­daman na pala ang sakit ng tiyan ay tinapos muna ang mga eksena niya dahil iyon ang ipalalabas mamayang gabi. May acid reflux pala si Bela at dahil sa tindi ng eksena ay masyado siyang na-stress kaya umatake ang sakit nito. Matapos naman siyang ma-treat sa ospital ay pinagpahinga lamang siya ng ilang oras at pinauwi na rin.

Glaiza kinokompronta hanggang sa mall ng fans ni Marian

Inamin na ni Glaiza de Castro na marami na ring naapektuhan ng pagmamaldita niya at pananakit kay Ma­rian Rivera sa Temptation of Wife. Kung noong una ay tahimik lamang ang fans, nagulat daw siya na minsang nasa mall siya ay may lumapit sa kanya at inaway siya.

Bakit daw niya sobrang inaapi si Marian? Paliwanag na lamang ng maga­ling na kontrabida ng GMA 7, acting lamang iyon at hindi naman sila talaga nagkakasakitan ni Marian as they play the roles of Heidi and Angeline, respectively. 

Pero tuwang-tuwa raw siya na kapag napapanood na ang kanilang drama series, kahit ganoon ang pagmamaldita niya, naiitindihan ng ibang manonood at nakakatanggap siya ng mga tweet like, “Ang sama-sama mo, Heidi, but I love you, Glaiza. Ang husay-husay mong actress.”

Ngayon ay medyo nakakahinga-hinga na siya sa mga kissing scene nila ni Dennis Trillo as Marcel ’di tulad noong una na sini-seduce niya ito lagi. Pero hindi pa rin siya titigil na gumawa ng evil plot against Chantal Gonzales dahil naniniwala siyang sina Chantal at Angeline ay iisa. Hindi pa rin siya maka­kapayag na maagaw sa kanya ni Chantal si Marcel.

vuukle comment

BELA PADILLA

CHANTAL

CHANTAL GONZALES

DAHIL

DIREK GINA

GLAIZA

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with