^

Pang Movies

Kaya kasal muna bago ang anak: Sarah gusto pa ring panindigan ang mga itinuro ng mga magulang

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Positibong Sarah Geronimo ang humarap sa press na pinasalamatan niya sa mga biyayang dumating sa career at personal na buhay last 2012. Payat-payatan siya na handa nang harapin ang bagong challenges sa trabaho at love life lalo na’t 10th year na niya sa showbiz this year.

Magiging maluwag na rin ang parents niya sa desisyon niya sa buhay dahil turning 25 na rin siya. Isa nga sa patunay na may kalayaan na siya sa magulang ay ang pagpunta niya sa Brazil nang walang chape­rone at ang nakasama lang niya ay si KC Concepcion.

“Mahabang diskusyunan ’yon. Saka wala naman kaming gagawing masama. Maayos naman na tao si KC kaya wala namang dapat ipag-alala,” sabi ni Sarah sa press.

So, parang ang saya-saya ng feeling niya that time na pinayagan siya?

“Opo! Hahaha! Saka lakad-lakad lang kami roon. ’Pag may lumalapit na hindi masyadong nakaayos at feeling mo, i-snatch ka, lumalayo kami,” natatawang balita ng Pop Princess.

So, kakayanin niyang mabuhay nga­yon na wala muna ang parents niya?

 â€œAy, parang hindi ko pa kaya ’yon! Darating din naman tayo riyan. Slowly. Darating din ang tamang panahon. Ang tamang proseso,” katuwiran ng singer-actress.

Ayon kay Sarah, may saya at may lungkot din ang 2012 sa kanya. Pero marami rin siyang natutunan. Eh ano naman ang reaksiyon niya sa hula na mabubuntis daw siya this year?

 â€œGano’n? This year? Wow! Parang pagkatapos ng lahat ng sinabi ko…Sana mapangalagaan ko lahat ng values na na-instill sa akin ng mga magulang ko. ’Yung paniniwala ko na… ang paniniwala ko na marriage muna bago ang pagkakaroon ng anak.

 â€œSana mapanindigan ko po ’yon kasi ayoko namang…kasi ayokong masayang ang pag-iingat sa akin ng mga magulang ko. Saka ’yung pagiging magandang ehemplo ng mga kabataan. ’Yung mga ka-age ko,” paliwanag ni Sarah.

Medyo na-shock ba siya sa hula na ’yon?

 â€œOo! Shocked ako. Pero ayoko namang paniwalaan ’yon. Sa Diyos lang tayo naniniwala! Boyfriend muna? Hahaha! Hindi! Manliligaw muna na matiyaga. ’Yun muna,” bungis­ngis uli ng singer-actress.

Bukod sa anniversary ng kanyang Sarah G. Live! next year, ang muling pagtatambal nila ni John Lloyd Cruz na It Takes a Man and a Woman ang isa pang pasiklab this year ni Sarah!

vuukle comment

HAHAHA

IT TAKES

JOHN LLOYD CRUZ

NIYA

PERO

POP PRINCESS

POSITIBONG SARAH GERONIMO

SA DIYOS

SAKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with