^

Pang Movies

Gladys Guevarra loveless, jobless pa sa GMA!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Boyfriendless na naman si Gladys Guevarra. Hindi naman niya itinanggi ito nang magkita kami isang gabi sa Zirkoh Comedy Bar bago ang New Year.

Mukha naman hindi problemado ang singer-comedienne sa sitwasyon niya ngayon. Nabawasan pa nga ang kanyang timbang na rason niya, palagi raw siyang nagdya-jogging sa UP.

Habang wala pang regular na show sa GMA after Manny, Ma ny Prizes, sa Zirkoh at Klownz muna mapapanood mag-show si Gladys.

Alden isang araw na lang tatrabahuhin ang Indio

Simba at dinner with the family idinaos ni Alden Richards ang kanyang birthday kahapon. Pero maraming bumati sa kanya sa Twitter, huh!

Tumahimik man si Alden sa huling bahagi ng 2012 kumpara sa kalagitnaan ng taon last year dahil sa phenomenal hit ng One True Love nila ni Louise de los Reyes, patuloy pa rin naman ang suporta sa kanya ng GMA.

Siya ang lalabas na binatang Bong Revilla, Jr, sa unang pasabog ng Kapuso Network na Indio. Sa text sa amin ni Alden, isang taping day na lang ang tatrabahuhin niya para sa Indio.

‘Yun nga lang, loveless pa rin sa pagpasok ng taon si Alden, huh!

Marian mas daring at sopistikada na!

Higit na daring at sopistikada ang dating ni Marian Rivera sa susunod na episodes ng Temptation of Wife na mapapanood simula bukas. Inalis na niya sa series ng aapi-apihang role niya bilang si Angeline at siya na si Chantal!

 “Naku, pati nga ako nagulat sa ginawa kong mga eksena. Peg ko kasi si Ayen (Munji-Laurel) pagdating sa pagiging sophisticated. Kitang-kita naman sa hitsura niya, ‘di ba? Kaya nakatulong din ‘yon sa akin upang makeri kong dalhin ang bago kong character!”  pahayag ni Marian.

Ayaw ngang detalyihin ni Marian ang gagawin niyang paglalalandi kay Dennis Trillo. Gusto niya kasing tumatak sa utak ng manonood ang role niya bilang si Chantal.

“Hindi naman kasi namin ginaya nang todo ‘yung mga eksena sa original series. “Siyempre, in-adapt din namin ang panlasa ng mga Pinoy. So exciting sa part ko ‘yon para hindi lumabas na predictable ang mga kalokahang gagawin ko! Ha! Ha! Ha!” sabi pa ng Primetime Queen ng GMA.

                                                   

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

BONG REVILLA

CHANTAL

DENNIS TRILLO

GLADYS GUEVARRA

INDIO

KAPUSO NETWORK

MARIAN RIVERA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with