^

Pang Movies

Direk Ruel proud sa family drama na puno ng aral at inspirasyon

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinagmamalaki ng award-winning director na si Ruel S. Bayani ang mga aral at inspirasyong hatid sa mga manonood ng modern family dramang handog ng Star Cinema na One More Try, na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo, at Angelica Panganiban. Graded A ng Cinema Evaluation Board, mapapanood na ang One More Try ngayong Martes (Dec. 25) kasabay ng iba pang movie entries na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

“It is still a unique kind of family drama. Yes, nandoon iyong sexy adult theme. Nandoon ang love scenes at ‘yung sex appeal nung apat na main cast,” pahayag ni Direk Ruel na labis ang paghanga sa kalidad ng performance sa pelikula nina Angel, Dingdong, Zanjoe, at Angelica.

“I would say that it is the sexiest kind of family drama. I think, umuusok siya sa screen. Bumagay ang mga actor ko sa role nila. Casting coup ito!” 

Naniniwala si Direk Ruel, na siya ring direktor ng box-office hit film na No Other Woman, na swak mapanood ng mga pamilyang Pinoy ngayong Pasko ang One More Try dahil sa naiiba at matapang na kuwento nito.

“One More Try is a movie that will be enjoyed be a lot of people. Kapupulutan ito ng aral at paghuhugutan ng inspirasyon ng mara­ming pamilyang Pilipino,” sabi ng direktor. “Here, they will discover that a true Filipino family stays together. They go through a crisis and survive that crisis together and they become better people after.”

 Dagdag pa ng direktor, ang tunay na ganda ng One More Try ay makikita sa mensaheng nais iparating ng kuwento nito sa moviegoers.

“Hindi regalo o gayak ang tunay na diwa ng Pasko, kundi ang pagsasama ng pamilya, kahit anuman ang mangyari. Kaya tamang-tama para sa Pasko ang pelikulang ito dahil makikita dito kung paano magagawa ng isang pamilya ang lahat para sa minamahal nila at kung paano maipararamdam sa mahal mo na hindi mo siya iiwan at lalaban kayong magkasama,” sabi ni Direk Ruel.

Bukod kina Angel, Dingdong, Zanjoe at Angel, tampok rin ng One More Try sina Carmina Villarroel, Agot Isidro, Edward Mendez, at Gina Pareño.

Huwag palampasin ang One More Try, kasabay ng Sisterakas ng Star Cinema, na ipalalabas na sa mga sinehan nationwide ngayong Pasko.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

CARMINA VILLARROEL

CINEMA EVALUATION BOARD

DINGDONG DANTES

DIREK RUEL

ONE MORE TRY

PASKO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with