^

Pang Movies

Regalo sa Pasko: Sharon kailangan ng pair of eyeglasses! Lani tunay at matangos na ilong ang dapat na matanggap sa New Year

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

This is the time of the year na feeling generous tayo. Kaya ituloy natin ang traditional gift-giving issue for the stars. Lahat ng mga regalong pamimigay namin, pumasa sa mataas na standard ng high qua­lity control mula sa Santa Claus Gift Factory.

Sharon Cuneta – Isang engkantadang pair of eyeglasses na hindi niya nakikita ang lahat ng negative items ng mga Facebook, Twitter, at blogs. Kaya matitigil ang kanyang mga reaction, na ang say ng kanyang mga critic are not fit to have been said by the Megastar.

AiAi delas Alas – A rich, handsome, and mature guy na iibig sa kanya at mamahalin naman niya. Para matigil na ang mga bintang na kaya lang siya pinakikisamahan ng mga higit na batang boyfriend ay dahil sa kanyang pera.

Baron Geisler – Invisible na kadena na kapag maisip niyang gumawa ng palso sa mga babae o kaya’t manakit ng kapwa, bigla siyang itatali ng masikip sa leeg. Para maiwasan na ang kabastusan at karahasan.

“Enchanted Book of Original Speeches” para naman kay Sen. Tito Sotto – Para naman makaiwas na siya sa mga sumusulat ng kanyang mga talumpati na napagbibintangang nangongopya.

Lani Misalucha – Isang permanenteng tunay na matangos at magandang ilong. Upang tumigil ang mga speculation kung ano ang nagiging bagong hitsura niya, tuwing babalik sa bansa, mula sa matagal na pagtigil sa America o abroad.

Marvin Agustin – Kahit one or two star awards mula sa credible na grupo ng mga restaurant critic para tumibay ang reputasyon niya bilang isang tunay na chef at leading Pinoy restaurateur.

Enchong Dee — Full scholarship sa isang finishing school ng mga tunay na macho. Kailangan niya kasing ibahin ang kanyang mga mannerism at ibang galaw upang hindi na siya maging paborito ng mga blind item.

apl.de.ap. – Isang Pinay na mamahalin at pakakasalan siya para magkaroon na sila ng mga anak na sana’y ma­ging very talented at cha­ri­table tulad ng Pinoy International star.

Angeline Quinto – Isang clean bill of health na magsasabing tunay na malusog na siya sa 2013 at nakahandang harapin ang lahat ng heavy schedule sa coming new year.

Robin Padilla and Mariel Rodriguez – Isang malusog na baby ang dapat dumating sa kanilang buhay this 2013. Magkaroon sana sila ng sapat na pahinga para magka-anak kahit sinasabing ayaw pa nila ng baby.

Mother Lily Monteverde – More blockbusters in 2013. Kailangan maging very active ang Regal Entertainment, Inc. this coming year para maraming mga artista at taga-pelikula na mabigyan ng trabaho.

Jericho Ejercito – Isang lucky charm na magbibigay sa kanya ng suwerte upang maging newest action star in 2013 ’pag pinalabas na ang launching vehicle niyang Alyas Ben Tumbling.

Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla – A wedding made in heaven upang maging permanente ang kanilang relasyon at mabuhay sila ng maligaya sa habang panahon.

Annabele Rama – Isang agimat na aakit sa mga sakop ng distrito niya sa Cebu upang manatili siya sa kanyang first attempt to start a political career.

Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez – Sure winner naman sila this 2013 elections sa kanilang lugar sa Ormoc City. Ang dapat na iregalo sa kanila ang tunay na intensiyon na makapaglingkod pa ng sapat sa kanilang mga nasasakupan.

Aga Muhlach – Isang blanket immunity sa lahat ng mga maling paratang at iba’t ibang kasong idinikit sa kanyang pangalan upang walang sagabal sa kanyang pagtakbo na congressman sa isang distrito sa Camarines Sur.

Never Say Goodbye – Tunay na mahuhusay na scriptwri­ters upang mapaganda ng husto ang forthcoming teledrama ni Nora Aunor na Never Say Goodbye. She needs a high-rating TV series para higit na sumulong ang kanyang career.

Para sa lahat ng mga mahilig na mag-self-proclaim ng mga title – Isang koronang mahigit 50 kilos ang bigat, na biglang ipuputong sa kanilang mga ulo, upang magising sa mga sobrang ilusyon.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALYAS BEN TUMBLING

ANGELINE QUINTO

ISANG

KANYANG

NEVER SAY GOODBYE

PARA

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with