^

Pang Movies

Pamilya Revilla sanay na magpasko sa labas!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagiging abala ng pamilya Revilla sa pangunguna nina Senator Bong Revilla, Congresswoman Lani Mercado at Andeng Bautista-Ynares sa  kani-kanilang trabaho sa pulitika at showbiz career lalo’t busy si Bong ngayon sa promotion ng kanyang MMFF entry na Si Agimat, Si Enteng at si Ako ay naglalaan talaga sila ng panahon na makasama at magbigay ng saya sa mga manunulat na sumusuporta sa kanilang pamilya.

At gaya nang nakaugalian ng pamilya Revilla sa pagse-celebrate ng Christmas at New Year, traditionally ay sa meaningful way nila ito ginagawa gaya ng bonding, thanksgiving and sharing of blessings sa kanilang constituents at sa mga nangangailangan.

Sa bahay sila nagno-Noche Buena at sa araw ng Pasko ay magkakasama na sila sa isang hotel kasama ang buong pamilya at mga apong sina Gab, Alexa, and Inigo.

 “Nakasanayan na namin na sa labas kami nagdaraos ng mismong araw ng Pasko. Nagsisimba at sabay-sabay na nagdarasal ng pasasalamat sa walang sawang biyayang binibigay ng Maykapal. After  that, kami naman ang dumadalaw sa aming kamag-anak,” sey ng Bacoor Representative Lani Mercado.

Kuwento naman ni Senator Bong, “We see to it na magkakasama kami tuwing Christmas day. Kasama si Daddy (former  Senator Ramon Revilla Sr.), nagi-gift giving kami sa aming mga mamamayan ng Bacoor. Madalas pagkatapos nito nasa sinehan naman tayo para kamustahin ang lagay natin sa MMFF.”

Diin pa ni Congresswoman ukol sa selebrasyon ng Pasko : “Ang sabi, ang pasko ay para lang sa mga bata. Hindi tayo naniniwala diyan. Ang Pasko ay para sa lahat, maging sino ka man,” pahayag ni Sen. Bong na magbibigay ng relief goods to the victims of typhoon Pablo through his Kaagapay sa Araw ng Pangangailan (KAP) relief effort.

Pagdating ng new Year, sasalubungin nila ang 2013 sa Imus Cathedral naman.

“Iyon na ang kinaugalian nina Bong mula pa noong bata pa. Iyon ang ginagawa ng pamilya bilang pagsalubong sa bagong taon. Nagpapaputok, nagsisindi ng kuwitis,” sabit pa ni Congresswoman.

                                                                                          

 

vuukle comment

ANDENG BAUTISTA-YNARES

ANG PASKO

BACOOR REPRESENTATIVE LANI MERCADO

CONGRESSWOMAN LANI MERCADO

IMUS CATHEDRAL

IYON

NEW YEAR

NOCHE BUENA

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with