Eddie Garcia wagi sa Macau filmfest, nag-standing ovation pa
MANILA, Philippines - Nagwagi si Eddie Garcia bilang best actor sa 55th Asia Pacific Film Festival in Macau. Nanalo siya para sa kanyang pagganap bilang matandang bading sa Bwakaw.
Ginanap ang naturang awards night sa Venetian Hotel at nakatanggap ng standing ovation ang beteranong aktor sa kanyang pagtanggap sa tropeo.
Nominated din nga si Nora Aunor for best actress sa naturang award-giving body for Thy Womb pero tinalo siya ng Taiwanese actress na si Gwai Lun-Mei para sa pelikulang Gf*Bf.
Pero nanalo na si Nora bilang best actress kamakailan sa Asia Pacific Screen Awards sa Australia para sa Thy Womb.
- Latest