^

Pang Movies

Ngayon lang gagawa ng tama Angelica pumiyok uli, puro katangahan ang mga ginawa noon

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kung si Zanjoe Marudo ay ikinuwento ang love scenes niya with Angel Locsin sa pelikulang One More Try sa girlfriend na si Bea Alonzo, si Angelica Panganiban naman ay hindi na niya sinabi ang mga matitinding eksena niya sa naturang pelikula with Dingdong Dantes sa boyfriend na si John Lloyd Cruz.

“Hindi naman ’yung para pag-usapan na­min,” she said.

Bagama’t matitindi rin ang love scenes nila ni Dingdong, aniya ay tolerable naman daw dahil family movie naman ang One More Try.

“Sabi naman nila, hindi naman daw pinaputol noong pinapanood nila sa management. So, katanggap-tanggap naman siguro. Tolerable naman siguro,” sabi pa ng aktres.

Pangalawang pagsasama na nina Dingdong at Angelica ang nasabing pelikula. Una silang nagkatrabaho sa Segunda Mano na isa ring Metro Manila Film Festival (MMFF) entry last year.

Kumusta naman ang second time nilang pagsasama?

“Siyempre ngayon, hindi na ano — kung sa Segunda Mano, nagtatantiyahan kami kung paano ba ang ugali niya sa trabaho, siyempre ngayon mas alam mo na,” sabi ng aktres. 

“Well, wala rin naman itong arte. So, magandang experience lang talaga ang naibibigay na nagkakaroon ka ng chance na makatrabaho ang mga taga-ibang network, ’di ba?”

Natanong din kay Angelica ang reaksiyon niya sa puna na lahat silang apat sa main cast ay happy ang mga love life.

“Siyempre maganda ’yung wala kang dalang problema kapag pumupunta ka ng trabaho. Malaking bagay ’yun. Malaking tulong ’yun na dumarating ka sa trabaho na magaan ang karga mo. Smile ka. Wala kang ibang iniisip kung hindi trabaho mo lang, hindi ’yung problema n’yo. Pupunta ka sa set na ang gulu-gulo ng utak mo dahil meron kang gustong ayusing problema,” pahayag ni Angelica.

Natanong din ang aktres tungkol sa mga controversial tweet niya lately at rason niya, at some point ay nakakagaan talaga ng pakiramdam ang makapag-release ka ng nararamdaman.

“May mga kailangang i-release na mga bagay. You never know makakatulong pala ’yun sa ’yo personally. Nakagaan pala. Parang wala na ‘kong dinadala ngayon kasi out in the open na siya,” she said.

Sa trailer ng One More Try ay may dialogue si Angelica kay Dingdong na something like, “Ang pera natin hindi mauubos pero ang pasensiya ko konting-konti na lang mauubos na.”

Natanong ang aktres kung in real life ba ay naubos din ang kanyang pasensiya.

“Six years bago naubos,” makahulugang sabi ni Angelica.

Hindi man niya i-elaborate, obvious na ang six years na ibig niyang sabihin patungkol sa naging relasyon nila ng ex-boyfriend na si Derek Ramsay.

Anyway, sa MMFF parade on Dec. 23 ay hindi pala siya makakasama dahil bago pa man niya tanggapin ang filmfest entry ay ipinauna na niya sa Star Cinema na pupunta siyang US sa Kapaskuhan para makasama ang pamilya.

“Unang beses ko po na makakasama ang pamilya ko. Nasa Amerika sila. And for five years, hindi ako sa kanila nagpa-Pasko,” paliwanag ni Angelica.

Masaya raw siya pero mas masaya ang family niya na magkakasama-sama sila ngayong Kapaskuhan dahil feeling ng mga ito ay may tama siyang gagawin this year.

Dati ba hindi tama?

“Katangahan ang ginagawa ko dati,” makahulugan na naman niyang sagot.

When asked kung kasama ang boyfriend niyang si John Lloyd sa US, hindi raw dahil pareho muna nilang priority ang kani-kanilang pamilya sa panahong iyon.

 

vuukle comment

NAMAN

NATANONG

NIYA

ONE MORE TRY

SEGUNDA MANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with