^

Pang Movies

Maling diskarte sa career Rachelle Ann inaambisyon ang role na kay Lea lang nakatatak

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kaya naman pala agad na nag-audition si Ra­chelle Ann Go sa Miss Saigon kasi simula raw noong napanood niya ang nasabing musical ay hindi na naalis sa isip niya na gusto niyang gampanan ang role na Kim.

Kaya nga nang muling magkaroon ng audition sa Pilipinas ang Miss Saigon, isa siya sa mga naunang nagpunta agad sa Makati City. Medyo maganda naman ang naging resulta ng kanyang mga naunang auditions. Nakatanggap naman siya ng call back, kaya baka mapasama siya pero hindi siya nakakasiguro na magagampanan niya ang role ng pinaka-bida.

Maganda naman ang ambisyon ni Ra­­chelle Ann pero kung kami ang tatanungin, maling diskarte ng ambisyon iyon. Bakit mo aambisyuning maging Kim eh ilang ulit mo mang gampanan ang role na iyon lalabas na naging mga alternate lang kayo ni Lea Salonga?

Noon, sa mga araw na hindi puwede si Lea, o kailangan niyang mag­pahinga, si Monique Wilson ang gumaganap na Kim. Pero natatandaan pa ba ng mga tao iyon ngayon? Si Jenine Desiderio ginampanan din ang role ni Kim pero para ngang hindi halos nabigyan ng credit ang artist sa ginawa niya. Si Caselyn Francisco gumanap din bilang Kim pero may nakakaalala pa ba? Pati nga yata si Caselyn ay nakalimutan na eh.

Ang punto namin ay ito, anuman ang gawin, ang Miss Saigon ay kay Lea Salonga na. Anuman ang gawin, hindi na maaagaw iyon sa kanya. Kung anuman ang ginagawa ng mga ibang artista para sa Miss Saigon ay pagpapatuloy na lamang ng mga ginawa ng Pinay international star.

Kung kami ang may singing career, at didiskarte kami sa aming career, hindi namin gagawin ang Miss Saigon. Bakit naman namin gagawin ang isang proyektong wala naman kaming pag-asang sumikat?

Gagawa kami ng mga proyektong ang character ay makaka-identify sa amin, hindi iyong identified na sa iba.

Humanda na sa batikosBro. Mike nakikipagsabayan lang sa INC?!

Ngayon ay may nagbabalak na rin mag-produce ng film bio ni Bro. Mike Velarde. Pero hindi na bago kay Bro. Mike ang mga ganyang bagay dahil noong araw ay nag-produce na rin naman siya ng pelikula.

Okay naman na gawan ng isang film bio si Bro. Mike, kaya lang sa ngayon ay kailangan niyang pag-isipang mabuti kung tatanggapin niya ang ganoong offer kasi baka ang maging issue ay nakikipag-saba­yan lang sila sa isang pelikulang gagawin para sa centennial ng Iglesia ni Cristo.

Alam na ninyo, mabuti na ’yung walang nasa­sabi ang isa’t isa.

Aktor binura agad ang Facebook account na ginamit sa ‘sideline’ pagkaalis sa ’Pinas

Matapos na gamitin ang kanyang Facebook account para sa kung anu-anong sideline habang naririto sa Pilipinas, bigla naman niyang inalis ang account nang umalis na siya. Buti na nga naman iyon dahil kung may nakapansin man, madali siyang mag-deny na siya nga ang nagsa-sideline na iyon.

Ang dating bold actor na ’yan marami talagang drama.

 

ANN GO

BAKIT

FACEBOOK

LEA SALONGA

MAKATI CITY

MIKE VELARDE

MISS SAIGON

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with