^

Pang Movies

JV tinapos na ang galit kay Kuya Jinggoy!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Tinapos na ng magkapatid na Sen. Jinggoy Es­tra­da and Congressman JV Ejercito Estrada ang kanilang matagal nang hindi pagkakaintindihan da­hil kamakailan lamang ay pinagharap sila ng kanilang amang si former President Joseph “Erap” Estrada at pinag-ayos.

Ito ang ibinalita kahapon ni JV sa kanyang presscon cum early Christmas party for the entertainment press.

Ayon sa kongresista na tumatakbong senador for 2013 elections, naganap ang paghaharap nila ng kapatid three weeks ago at talaga raw tinaman sila sa sinabi ng kanilang ama.

“Sabi niya, ‘Alam n’yo, seventy five na ako. Lolo n’yo namatay ng seventy eight, ’yung Tito Tony n’yo, namatay ng seventy seven, ’yung isa (na kapatid ni Erap), seventy nine. Sandali na lang ’yun ah. Baka gusto n’yong ’di ko na abutin?’

“Sabi pa niya, isa raw sa mga frustration niya in life, hindi bale na raw ‘yung sa political frustration eh balewala ’yun, ay ’yung magkaaway daw kaming magkapatid,” kuwento ni JV.

Ayon pa kay JV, actually ay wala naman silang malaking pinag-awayan ni Jinggoy. May mga nagpapahatid lang kasi minsan ng mali o may nanunulsol kaya naman nang magkausap sila, napag-usapan nilang buhat ngayon anuman ang marinig nila mula sa ibang tao ay diretso na nilang tatanungin ang isa’t isa para maiwasan na ang misunderstanding or misinterpretations.

Dahil nga tatakbong senador si JV sa 2013 elec­tions, natanong sa kanya kung tutulungan ba siya ni Sen. Jinggoy sa kampanya ngayong magkasundo na sila?

“Well, hindi na kami umabot sa ganun pero I think ang maganda nga roon ay nagkausap na kami at nagdesisyong tapusin na ang away,” sagot niya.

Pero aminado naman si JV na malaking boost sa kandidatura niya ang suporta ni Jinggoy kung sakali.

Tungkol naman sa kanyang kandidatura, masayang-masaya naman si JV na sa latest survey for senatorial bets ay naglalaro siya sa No. 4 and 5 ranking kaya nagpapasalamat din siya at kahit paano ay na-acknowledge naman ang mga nagagawa niya bilang pulitiko.

Samantala, isa pang magandang balita ni JV na dala kahapon ay ang balak niyang i-revive ang House Bill 3160 or the Journalist Welfare and Protection Act of 2010 kapag palarin siyang manalo bilang senador.

Ito ay kaugnay ng napakaraming mamamaha­yag nating napapaslang nang walang kalaban-laban tulad na nga lamang ng nangyaring massacre sa Maguindanao three years ago kung saan ay 32 journalists ang pinaslang. At base na rin sa record ng National Union of Journalists of the Philippines ay nasa 153 journalists na ang napapaslang.

“We need to end the culture of impunity. And we can only do that if criminals are swiftly arrested and tried,” sabi ni JV.

Empress nagdagdag ng bagong salon na may spa at hanggang third floor

Nagbukas na naman ng panibagong franchise si Empress ng Artista Salon and this time, located naman ito sa North Fairview, Quezon City malapit sa St. Joseph School.

Bumili ng commercial townhouse si Empress sa naturang lugar at ginawang negosyo. Pangatlong branch na ito ng young actress ng Artista Salon. Ang una ay sa Meycauayan, Bulacan which is doing very, very well at pangalawa naman ay sa may España, Manila.

Pero itong pangatlo niya ang pinakamalaki dahil hanggang 3rd floor ito at naglagay din siya ng spa at massage.

Sobra ang pasasalamat ni Em sa kanyang inang si Mommy Gina dahil ito ang nagsisinop ng lahat ng kanyang kinikita at ini-invest sa negosyo at makabuluhang bagay.

Samantala, puro pelikula ang pinagkakaaba­la­han ni Em lately matapos ang serye niyang Mun­do Man ay Magunaw. Kasama siya sa Metro Manila Film Festival entry ng Regal Films na Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion sa Pamana episode with Herbert Bautista.

Sa TV naman, kasama siya sa seryeng Apoy sa Dagat nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban. 

ANGELICA PANGANIBAN

ARTISTA SALON

AYON

EJERCITO ESTRADA

ERAP

HERBERT BAUTISTA

JINGGOY

NAMAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with