^

Pang Movies

Kahit may tsismis na hindi naman nagbibigay sa mga anak kay Janice: Priscilla, good provider ang tingin kay John

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kuwento ni Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles sa launch niya as the first celebrity endorser ng Contours, lumaki ang kanyang katawan nang magbuntis siya. Umabot sa 230 lbs.. After giving birth sa baby girl nila ng husband na si John Estrada last February, nag-breastfeed siya, hindi siya nakapagpa-slim kaya lalo siyang lumaki. Kailangan niyang bumalik sa dati niyang weight, kaya tinanggap niya ang offer ni Dr. Claudine S. Roura, dermatologist and cosmetic surgeon at may-ari ng Contours Advanced Face & Body Sculpting Institute. 

Kaya siya ang endorser ng latest non-evasive laser lipo technology, popularly known in the United States as Zerona. 

Ayon kay Priscilla, madali lamang ang procedure na naka-lay down lamang siya at nakakatulog sa parang disco light na machine na cold laser technology ang ginagamit sa kanya. Sa ngayon, naka-lose na si Priscilla ng 80 lbs. at kailangan na lamang niyang maka-lose pa ng 10 lbs.  para sa desired weight niya. Kino-convince rin ni Priscilla ang mga ladies na may problemang tulad niya na i-try ang Contour na sasabayan din ng diet and exercise.

Hindi nawala ang tanong kay Priscilla tungkol kay John at kung napag-uusapan nila ang past nito, at kung ano ba ang tawag ni John sa first wife nitong si Janice de Belen. Ipinagtanggol naman niya si John na wala itong sinasabing hindi maganda tungkol kay Janice. Isa pa, ayaw niyang makialam kung anuman ang nangyari sa relasyon nila dahil wala pa naman siya sa buhay ni John noon. 

Ang gaganda at guwapo raw ang mga anak ni John kay Janice at para sa kanya, John is a loving father and a good provider to his children.

Lovi hindi pinakawalan si Vhong

 Muntik na palang hindi tanggapin ni Lovi Poe ang Unwanted, ang last episode ng horror film na Shake, Rattle & Roll 14 na lone entry ng Regal Entertainment, Inc. for the Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. 

Nakangiti niyang kuwento noong presscon, naisip niyang baka naman magsawa na sa kanya ang mga manonood na lagi na lang horror movies ang ginawa niya for 2012, like Aswang, Guni-Guni, at a few weeks ago lamang nag-showing ang Tiktik: The Aswang Chronicles.

Busy din siya dahil may drama series at rom-com movie rin siyang ginagawa. Pero hindi niya puwedeng tanggihan si Mother Lily Monteverde at sinabi pang ang magdidirek ng episode niya ay ang premyadong direktor na si Chito Roño at leading man niya si Vhong Navarro na matagal na pala niyang gustong makatambal.

Nang nagsyu-shooting na sila, hindi siya nanghinayang na tinanggap niya ang offer dahil na-impress siya sa pag-handle sa kanila ni Direk Chito na akala mo ay simple scene lamang ang ginawa nila pero kapag nakita mo na sa screen, ibang-iba ito.

 

ASWANG CHRONICLES

BODY SCULPTING INSTITUTE

CHITO RO

CONTOURS ADVANCED FACE

DIREK CHITO

JANICE

NIYA

PRISCILLA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with