^

Pang Movies

Dating singer-actress na suka ang ginagamit para pumUti, mayaman na ngayon sa Amerika

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Nasa bansa ang dating singer-dancer-bit player na may magandang mukha na matagal na ring nag-stay sa US at doon na nagkaroon ng pamilya. Nag-asawa siya ng isang rich American businessman. Napakaganda niya, seksi, at ang kinis. I’m sure hindi na maitim ang kanyang kili-kili, singit, at kuyukot.
 

 Sa rami naman ng datung niya, mapapaganda lalo ang sarili. Sukang paombong kuno ang ginagamit niya noon para maging mapusyaw ang maiitim na bahagi. Paano namin nalaman? Eh sino ba ang kasama nila? Ang mga dyulalay nila ang nagkukuwento tungkol sa alaga nila lalo na kapag galit dahil hindi naibigay ang gusto nila.

Nora dinayo ng fans sa show kahit hindi kumanta

Buhay na buhay ang Noranians nang mag-special guest si Nora Aunor sa fund-raising show ng Philippine Movie Press Club (PMPC) nung Sabado ng gabi. Natuwa sila sa pagpunta ng Superstar kahit ’di pa puwedeng kumanta ang kanilang idolo.

Hindi magkamayaw ang Noranians na habang palapit na ang start ng show, ay nagda­tingan sila at nagbilihan ng tiket na carry nila kesehodang may kamahalan din naman ang tiket. Eh hindi naman nga nag-sing ang Superstar, basta ma-sight lang nila ang idol nila.

Sinuportahan lang din kasi ni Nora si John Rendez bilang siya ang manager ng Fil-Am rapper.

vuukle comment

BUHAY

FIL-AM

JOHN RENDEZ

NAPAKAGANDA

NATUWA

NILA

NORA

NORA AUNOR

NORANIANS

PHILIPPINE MOVIE PRESS CLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with