^

Pang Movies

Ryan at Judy Ann nakabuo na ng baby sa London!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Mukhang successful ang attempt ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na magkaroon ng bagong baby, na made in England.

Bago pa pumunta sa London sina mister at misis, nagpahayag na sila na it is the right time para masundan na ang kanilang anak. Doon nga sa England, nag-check in ang buong tropa sa A-Loft Hotel ng Edsel na one-hour drive from London.

Ayon sa manager ni Juday na si Alfie Lorenzo, ipinaglihim ng dalawa sa lahat ng mga kasama ang kanilang room number.

“Kahit nga si Malou Choa Fagar, hindi alam kung saan ang kuwarto nila,” say ni Ka Alfie. “Kaya hindi man lang namin nakita ang pinto ng kanilang room kung may nakalagay na ‘Do Not Disturb.’”

Dahil nga bihirang mag-join sa pamamasyal sa kanilang London tour, alam nilang lahat na kasama sa iisang hotel, na may sariling pinagkakaabalahan ang mag-asawa.

Nang umupo sa tabi namin si Kuya Germs (German Moreno), last Saturday evening, for the Philippine Move Press Club’s (PMPC) benefit show at Zirkoh Morato sa Quezon City, kay Alfie siya nagpaalam na invited si Juday sa 50th anniversary show ng Master Showman. Sinabi ni Kuya Germs na sa April 24 ito gagawin at tinapat siya ng columnist/manager na baka malaki na ang tiyan ni Juday that time!

“Puwede naman dahil gusto ko sa mga audience siya pumupuwesto habang nagsasalita,” sabi ni Kuya Germs.

Pinaalaala tuloy ni Alfie na sa That’s Entertainment noon, back-up lang si Juday sa mga kumakanta tulad kay Maffie na anak ni Imelda Papin.

Guy at Direk Brillante nagka-trophy pareho sa screen awards

Makakarinig na naman tayo o makakabasa ng mga negatibong komento mula sa mga taong naiinggit sa magandang takbo ng career ni Nora Aunor ngayon. Lalo na kapag nakita nila ang mataas na glass trophy with colorful ethnic design na ibinigay sa Superstar sa recently concluded Asia Pacific Screen Awards in Brisbane, Australia, bilang best actress.

Buti’t ang manager ni Ate Guy na si Boy Balma ang nagdala ng trophy kundi baka halos magkasintaas sila ng Superstar. She won the coveted honor for her performance in Thy Womb, isa sa walong official entries sa 2012 Metro Manila Film Festival this Dec. 25.

Nakamit naman ng direktor ng pelikula na si Brillante Mendoza ang best director award sa nasabing international competition for excellence in film.

Singer naisahan sa TF, nakupitan ng P25K!

Ang malasadong showbiz personality, may ginawang muli na kabalbalan. Isinama niya sa isang engrandeng birthday party ang beteranang singer. Doon nagkita-kita ang maraming mahuhusay na aktres at ilang kilalang celebs.

Bago mag-uwian, lumapit na sa kanila ang may kaarawan upang iabot ang pakimkim na P30,00 bawat isa bilang pasasalamat sa kanilang pagdalo. Ang nagdala sa singer ang kumuha ng pera. Sinabi nila sa mang-aawit na kagagaling lang sa New York na P10,000 lang ang ibinigay.

Ang generous singer naman hinati pa ang tinanggap kaya’t P5,000 lang ang natira para sa kanya. Naunang umalis ang “agent”. Naiwan ang singer with her friends. Tinanong siya kung natanggap ang P30K at nagulat pa siya ng sinabing P10K lang ang sinasabing bigay sa kanya.

Nagalit ang isang mataray na aktres at tinawagan agad ang reporter na P25K ang tangay. Pinabalik sa kanya ang pera sa singer at nakiusap na hatiin na lang sa tig-P15K ang pera dahil mahigpit ang pangangailangan niya.

Paula Bianca nakipagsabayan sa malalaking star

Marami ng fans si Paula Bianca. Isa siya sa mga guest sa PMPC benefit show sa Zirkoh Morato. Kahit kasabay niyang nagtanghal ang mga sikat na artistang sina Jake Cuenca, Jake Vargas, Bea Binene, at pati na si Nora Aunor na naging suporta kay John Rendez, kasama sa mga well applauded ang baguhang singer na pamangkin ni Sharon Cuneta.

Iba ang appeal ni Paula kapag nasa stage na. Bukod kasi sa maganda ang singing voice, sexy pa ang showmanship ng recording artist. Kaya naman pala siya ang nagwaging female most promising artist sa nakaraang PMPC Star Awards for Music.

vuukle comment

A-LOFT HOTEL

ALFIE

ALFIE LORENZO

ASIA PACIFIC SCREEN AWARDS

JUDAY

KUYA GERMS

NORA AUNOR

PAULA BIANCA

ZIRKOH MORATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with