^

Pang Movies

Hindi libre lahat: repeat ng concert ni Regine, magbebenta pa rin ng tickets!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mama Salve, hindi maganda ang mga feedback kay Grace Lee bilang co-host ni Willie Revillame sa Wil Time Bigtime.

Ang sabi ng fans, iba pa rin ang dating at karisma ni Shalani Soledad -Romulo na nag-ober da bakod na sa Game ‘N Go.

Hindi pa tanggap ng masa si Grace na kailangang mag-effort para mapantayan niya ang karisma ni Shalani.

Female tv host na pasosyal at pa-intelihente, may kadikit na malas mga sinasalihang show nasisibak

Jinky Suzara ang tawag sa isang female television personality dahil hindi nagtatagal sa ere ang kanyang mga TV show.

Hindi maipaliwanag kung bakit natsutsugi agad  ang mga TV program ng female TV persona­lity. Pu­wedeng hindi maka-relate sa kanya ang televiewers dahil masyadong pa-intelligent ang projection niya. Ayaw ng televiewers sa mga television personality na nagpapanggap na matalino at sosyal. Matatalino ang manonood. Knows nila kung sincere o plastikada ang mga tao na napapanood nila sa telebisyon.

 

May ticket selling pa rin ang repeat ng anniversary concert ni Regine Velasquez, base sa mga sinabi niya sa presscon ng Sexy Solutions noong Martes.

Ang pagkakaintindi ko, libre ang panonood ng repeat ng concert para sa mga bumili ng tickets noong November 16 pero hindi na puwedeng manood ang mga may-hawak ng complimentary tickets.

Hindi naman puwedeng libre lahat dahil may mga gagastusin pa rin si Cacai, ang kapatid ni Regine na produ ng concert. At sa panahon ngayon, bibihira na ang libre, maliban na lang kung mag-decide sina  Regine at Cacai na gawin ang repeat ng Silver sa Quirino Grandstand dahil ‘yon ang malinaw na free concert dahil makakapanood, pati ang fans na talagang walang pambili ng tickets.

‘Feel na feel ko na ang pasko’

Fully-booked na ang schedule ko sa susunod na linggo dahil sa dami ng mga imbitasyon sa presscon at early Christmas parties.

Feel na feel ko na talaga ang Pasko na nagsimula noong Martes dahil sa magkakasabay at magkakasunod na presscon ng mga TV show, product endorsements at pelikula.

Next week, ganoon pa rin ang drama dahil sa mga press preview at movie presscon. Mabuti na lang, malapit lang ang mga venue kaya puwede akong maglagare.

 

vuukle comment

CACAI

DAHIL

JINKY SUZARA

N GO

QUIRINO GRANDSTAND

REGINE VELASQUEZ

SEXY SOLUTIONS

SHALANI SOLEDAD

WIL TIME BIGTIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with