^

Pang Movies

LT hindi na nailang kay Dingdong

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

First time lamang magkakasama sa isang pro­ject, ang drama series na Pahiram ng Sandali, sina Lorna Tolentino at Dingdong Dantes. Pero a­yon kay LT matagal na silang magkakilala ng aktor da­hil nagkasama na noon sina Rudy Fernandez at Ding­dong sa telefantasyang Atlantica ng GMA 7. Pareho ang pahayag nina LT at Dingdong nang da­lawin namin ang first taping day nila, hindi nila binitiwan ang first at second week ng script dahil maganda ang story at mabilis ang mga pangyayari. 

Si Lorna ay si Janice, part-owner ng publishing house na pag-aari ni Mark Gil. Si Dingdong ay si Alex, isang photo-journalist editor ng Philippine Exa­miner. Mainitin ang ulo, maikli ang kanyang pasensiya dahil may personal siyang pinagdadaanan. Itinakwil siya ng ama (Mark) kaya gusto niyang patunayan na kaya niyang magsarili.

Ngayong Sunday ay magsyu-shooting na sila sa Ca­la­tagan, Batangas at si Lorna ay kailangang magsuot ng one-piece swimsuit. Kaya naman kahit two days la­mang, gusto niyang maka-lose ng 10 lbs. sa pama­ma­gitan ng pag-inom ng Detox in a bottle na six kinds nito ang iniinom niya sa loob ng isang araw. 

Kung may limitations pa ba sila sa mga ganoong eksena, sabi ng dalawa ay buo ng tiwala nila kay Direk Maryo J. delos Reyes at sa mga dekalibreng cast ng soap. Alam nilang maganda ang kalalabasan nito. 

Sa pagpasok ni Max Collins bilang anak ni Lorna sa story at magiging girlfriend ni Dingdong, buo ang suporta nila sa young actress. Naniniwala si Lorna na dahil matagal-tagal na rin sa showbiz si Max, alam na nito ang gagawin. Sa Nov. 26 na ang pilot telecast nila.

Sheryl at Manilyn makiki-showdown sa Pop Princess

Ngayong Sunday, magsasanib ng husay nila sa pagkanta ng mga songs in the ’80s sina Sheryl Cruz at Manilyn Reynes para makipag-showdown sa Pop Princess na si Sarah Geronimo sa kanyang Sarah G: Live sa ABS-CBN at 8:15 p.m. 

May special duet si Sarah kay Piolo Pascual na magiging guest co-host din nila ni Luis Manza­no. Sa kanyang Sige Go segment, ita-try ni Sarah na maging isang panadero kasama si Jobert Austria.

 

vuukle comment

DINGDONG DANTES

DIREK MARYO J

JOBERT AUSTRIA

LORNA

LORNA TOLENTINO

LUIS MANZA

NGAYONG SUNDAY

POP PRINCESS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with