Tradisyon sa parade of stars, ginawang Dec. 23!
Naging very successful ang second presscon ng 38th Metro Manila Film Festival sa pangunguna ni Atty. Francis Tolentino, Chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at siya ring Chairman of this year’s MMFF at ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, Vice-Chairman. Dumalo rin ang iba pang members ng Executive Committee like Ms. Marichu Perez-Maceda at Ms. Digna Santiago, na sabi nga ng host na si Ms. Boots Anson-Roa ay naging kaagapay na ng MMFF nang magsimula ito 38 years ago. Ayon kay Chairman Tolentino, marami siyang natutunan sa kanila at kung wala sila Manay Ichu, hindi tatakbo ang MMFF. Inulit din ni Chairman Tolentino na dream pa rin niyang makasali ang mga Pinoy films sa Tokyo Film Festival sa Japan.
Bukod sa mga pelikula sa mainstream na kalahok sa festival, ipinahayag na rin ang bagong section na New Wave na this year, lima ang napiling entries: Ad Ignorantiam ng Quantum Films; Gayak ng Pro.Pro Artist & Advertising; In Nomine Matris ng HUBO Productions; Paglaya sa Tanikala ng Kuwentista Production, Inc. at The Grave Bandila ng Paper Boat Pictures.
Si director Paul Soriano ang namamahala ngayon sa New Wave section dahil ang dating in-charge dito, si direk Mark Meily ay may entry sa festival. Magsisimula itong mapanood sa Dec. 18 to 24 sa Glorietta Cinema.
Taun-taon ay nagdadagdag ng bagong section sa festival. Hopefully, next year, ang maidagdag na ay ang Animation Section.
Nagpasalamat si Chairman Tolentino sa lahat ng nagbigay ng oras na dumalo sa presscon, dahil alam daw niyang busy silang lahat, lalo na ang mga artistang may entry tulad ni Ms. Nora Aunor, Ai Ai delas Alas, Vice Ganda, Bianca King, Gwen Zamora, Jolo and Anton Revilla, Tim Yap, Arlene Muhlach, Enrique Gil, Biboy Ramirez, Sef Cadayona, Allan Paul, Johnny Revilla at marami pang iba. Hindi namin alam kung nakarating pa si Laguna Governor ER Ejercito dahil manggagaling pa siya ng Pagsanjan.
Ipinahayag din ni Chairman Tolentino na may pagbabago sa festival. Ang Parade of Stars ay gaganapin na sa Linggo, December 23 sa halip ng nakaugaliang December 24, mula sa SM MOA hanggang sa Quirino Grandstand in Luneta. Sa December 27 naman gaganapin ang Gabi ng Parangal sa Meralco Theater, to be produced by Viva Entertainment.
Walo ang official entries sa MMFF na magsisimula sa December 25, 2012 hanggang January 8, 2013.
- Latest