^

Pang Movies

Sex video ng bold star na inakalang burado na malinaw na malinaw pa ring napapanood sa internet

Pang-masa

Mali ang akala ng isang bold star na nabura nang tuluyan sa Internet ang kanyang sex video.

Napapanood pa rin ang sex video ng bold star sa Internet. Hindi siya puwedeng mag-deny dahil malinaw na ma­linaw ang video. Kamukhang-kamukha ng bold star ang tao na gumagawa ng kalaswaan sa harap ng camera. Kung may dapat sisihin, walang iba kundi ang bold star dahil hindi siya naging maingat.

Louise nine-nega sa pagtatanggol kay Enzo

Nega ang feedback sa pagtatanggol ni Louise delos Reyes sa kanyang boyfriend na si Enzo Pineda.

Hindi raw dapat nakipag-away si Louise dahil blind item naman ang pagkakasulat ng Internet link na ipinadala sa kanya. Hindi raw tama na mag-react sa isang blind item.

Nakoo, huwag n’yo nang i-nega si Louise dahil ipinakita lang niya ang labis na pagmamahal kay Enzo.

Kung walang magtatanggol sa kanyang boyfriend, sino?

Sa totoo lang, bumilib ako kay Louise dahil sa kanyang pagmamalasakit kay Enzo. Agree naman ako sa kanyang sinabi na silang dalawa ang magkasama sa dressing room kaya siya ang higit na nakakaalam na walang katotohanan ang blind item na kumalat.

Dahil nag-react si Louise sa blind item, alam na natin ang mga susunod na eksena. Ang panig naman ni Enzo ang aalamin ng mga reporter. Hihingin nila ang opinyon ng young actor tungkol sa isyu na lumaki dahil sa pagsasalita ng kanyang girlfriend.

Hindi makukumpleto ang kuwento kung walang sagot si Benjamin Alves na subject din ng blind item.

Parehong gentleman at prim and proper sina Enzo at Ben­jamin. Mga edukadong tao sila kaya hindi nila papatulan ang isyu. Knowing them, pagtatawanan lamang nila ang inimbentong blind item na nagpakulo sa dugo ni Louise.

Dindi hindi pa pinapayagang magsalita

Nagkita kahapon sa New York City sina Lhar Santiago, Joe Barrameda, Samantha Lopez, at Dindi Gallardo.

Kasama sa meeting ng apat ang Japanese actor/producer na si Jacky Woo na may business meeting din sa nabanggit na city. Mahusay si Samantha sa Japanese language kaya siya ang tumayo bilang interpreter ni Jacky na limitado ang kaalaman sa English language.

Gusto sana ni Lhar na interbyuhin si Dindi tungkol sa kaso na isinampa nito laban sa comic book writer na si Frank Miller. Hindi pa allowed si Dindi na magsalita tungkol sa kaso at sure ako na maiintindihan ni Lhar ang kanyang desisyon na manahimik muna.

 

vuukle comment

BENJAMIN ALVES

DAHIL

DINDI

DINDI GALLARDO

ENZO

ENZO PINEDA

FRANK MILLER

JACKY WOO

JOE BARRAMEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with