Ariel Rivera, magpapaluha ng MMK
MANILA, Philippines - Ang actor-singer na si Ariel Rivera ang bibida sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Nobyembre 10), kung saan gagampanan niya ang karakter ng isang ulirang guro at ama na si Fidel.
Sa gitna ng maayos na takbo ng kanyang buhay-pamilya, isang matinding hamon ang hinarap ni Fidel nang atakihin siya sa puso at na-stroke. Dahil sa biglaan niyang kawalan ng kapasidad na umunawa at magsalita, ang dating guro ay mistulang naging estudyante ng kanyang musmos na anak.
Paano magsisilbing haligi ng tahanan ang amang ninakawan ng lakas at kakayahan?
Makakasama ni Ariel sa MMK episode sina Ana Roces, Caseyda Silva, at Spanky Manikan.
Nora Aunor ibabahagi ang mahiwagang mundo
Ibang bahagi naman ng mahiwagang mundo ng Eden ang mapapanood sa Enchanted Garden ngayong Nobyembre. Bukod sa patuloy na tumataas na ratings nito at karagdagang pitong linggong extension, hinahandog din ng kauna-unahang eco-fantasya ang espesyal na partisipasyon ng nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor bilang si Nana Sela.
Alamin ang sikreto sa likod ng pagkatao ni Nana Sela. Ano ang mapait niyang nakaraan bilang dating reyna ng Eden at ano ang kanyang tunay na tungkulin sa sanctuario? Matulungan niya kaya si Aya (Alex Gonzaga) na mailigtas ang Eden?
Patuloy na panoorin ang Enchanted Garden mula Lunes hanggang Biyernes, 6:30 ng gabi at ang catch-up marathon nito tuwing Linggo, 10:30 ng umaga sa TV5.
- Latest