^

Pang Movies

Jaclyn nakita na ang epekto sa relasyon ni Andisa BF, etsapuwera na sa mahahalagang okasyon

Pang-masa

Totoo ang sinasabi ni Jaclyn Jose noong isang gabi sa victory party ng A Secret Affair. Talagang masakit lalo na sa mga matalik na magkakaibigan ang malaman na ang iyong anak ay tinatanggihan ng mga magulang ng boyfriend dahil sa kanyang naging sitwasyon. Alam niya na in love talaga ang kanyang anak, at in love rin naman sa kanyang anak ang sinasabing boyfriend pero ayaw diumano ng mga magulang ng lalaki sa babae dahil sa sinasabing “magmumukha raw siyang tagasalo” dahil ang babae ay isang single parent na.

Ang kuwento nga ni Jaclyn, talagang close ang kanilang pamilya, lalo na ang kanyang kapatid na babae sa ina ng boyfriend ng kanyang anak kaya nga kahit na noong maliliit pa ang mga bata, kapag New Year, ay invited silang mag-celebrate. Pero ngayon nga dahil sa sitwasyon ay ni hindi na sila kinukumbida kagaya ng dati. Nalulungkot lang naman siya dahil para sa kanya, sila ay matalik na kaibigan talaga ni Jaclyn.

Bukod sa kanyang sinabi, ayaw na niyang magsalita pa. Ayaw naman niyang may masabi siya na baka sumama pa ang loob ng mga iyon sa kanya. Eh close naman sila talagang magkakaibigan.

Ang tinutukoy ni Jaclyn ay si Jake Ejercito, anak siya nina dating President Joseph “Erap” Estrada at Laarni Enriquez. Nanligaw iyon sa kanyang anak na si Andi Eigenmann pero hindi pa nagtatagal ang kanilang relasyon, lumabas na ngang buntis si Andi, at kagaya ng alam natin, sinasabing ang nakabuntis sa kanya ay ang dati niyang boyfriend na si Albie Casiño, na ayaw naman siyang panagutan. Sa kabila ng mga problema, nagpatuloy ang relasyon nina Jake at Andi, hanggang sa lumabas ang issue na magmumukha raw tagasalo ni Jake dahil naanakan na ng iba si Andi.

Para sa ibang mga tao, ang bagay na iyon ay hindi isang issue. Ang mahalaga sa kanila ay kung ano pa rin ang kanilang nararamdaman sa isa’t isa sa kabila ng lahat. Pero para naman sa iba, napakalaking bagay nun. In the end, na kina Andi at Jake naman ang desisyon kung ano ang gagawin nila sa kanilang buhay. Hindi pa natin masasabi kung ano nga ang kasunod na mangyayari.

Career sa Pilipinas mahalaga rin sa pamilya ni Mario Maurer

Pati ang nanay at isa pang kapatid ng Thai superstar na si Mario Maurer ay dumating sa Pilipinas para manood ng kanyang pelikula sa mismong gabi ng premiere ng pelikulang Suddenly It’s Magic. Siguro nga mahalaga rin sa kanila kung ano ang kalalabasan ng pelikula dahil ang Pilipinas ay isa na namang bagong bansa kung saan nagkaroon ng career si Mario.

Noong una nga ay gumawa muna siya ng endorsement sa isang garment company. Ngayon ay pasok na siya sa pelikula.

Kaya nga para sa kanila, mahalaga ang Suddenly It’s Magic at kung ano man ang magiging resulta nito sa takilya.

Baguhang aktor malakas mambola pero buking agad ng bading na pinerahan lang

Ang lakas daw mambola ng isang baguhang aktor kaya nga noong una ay napakadali niyang mahingan ng datung ang isang gay na nagkagusto sa kanya.

Pero mabilis namang mabuko ang kanyang modus operandi. Kaya nga ngayon ay hindi na interesado ang gay sa kanya.

 

A SECRET AFFAIR

ALBIE CASI

ANDI

JACLYN

KANYANG

MARIO MAURER

PERO

PILIPINAS

SUDDENLY IT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with