^

Punto Mo

Mag-ingat sa pagboto, iwaksi ang mga demonyo!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAKAKAPANGILABOT ang nadiskubreng ginagawa ng mga dayuhang Intsik na inakalang mga turista at business investors sa ating bansa. Kanlungan na tayo ngayon ng illegal na turista at kri­minal na negosyanteng dayuhan.

Ang mga pulitikong ibinoboto nating hahango sa ekonomiya ng bansa ang lumalabas ngayong pasi­muno ng kademonyohang ginagawa ng mga dayuhan.

Pagsagip sa kahirapan ang pangunahing ibinebentang plata­porma ng karamihang pulitiko, pero pamilya rin lamang nila ang yumayaman.

Ginagawa nilang pundasyon ang boto ng mamamayan upang ilarawan ang kanilang matibay na liderato. Pangunahing sangkap upang ibenta ito sa mga negosyanteng dayuhan na ang gawain ay isadlak tayo sa kahirapan. Mayayaman na po sila!

Ginawang komedya ang imoralidad at tinutuntungan pa ang ilang simbahang Kristiyano upang gawing instrumento sa kani­lang kawalanghiyaan.

Mag-ingat na tayo sa mga nagpapakilalang kalaban ng kasamaan dahil dinanas na natin ‘yan sa mga nagdaang pamahalaan. Baka naman gusto lang nilang maipagpatuloy ang pamamayagpag ng kadiliman at kasamaan. Careful!

DEMONYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with