‘Sementeryo’
(Part 7)
NAHIGA na ako sa kutson na sinapinan ng puting kumot. Si Ruben ay nahiga na rin at maya-maya ay narinig ko ang mahina niyang paghilik. Mas nangingibabaw ang hilik sa malakas na ulan na tumatama sa bubong ng mausoleo na aming kinaroroonan. Patay ang ilaw sa loob kaya ang pumapasok na liwanag sa mausoleo ay galing sa poste sa labas.
Hindi ako makatulog. Pilit kong pinipikit ang aking mga mata pero ayaw akong dalawin ng antok. Nakapikit ako pero gising ang kamalayan ko.
Habang lumalalim ang gabi ay palakas naman nang palakas ang hilik ni Ruben.
Sinubukan kong tumagilid sa paghiga at baka sakaling makatulog ako.
Pero pagtagilid ko, ang malamig na nitso na katabi ko ang nahipo ko. Lalo na akong hindi nakatulog. Dasal ko ay mag-umaga na. Pero ang haba ng gabi.
Hanggang sa makarinig ako ng kaluskos sa aking paanan. Nagkulubong ako ng kumot.
Ayaw kong makita ang kumakaluskos!
Parang may naglalakad sa paanan ko!
(Itutuloy)
- Latest