“AKO rin Gino, wala na akong mahihiling pa,’’ sabi ni Eliz.
“Meron pa. Meron kang nakalimutan, Eliz.’’
“Ano?’’
“Siyempre magiging kumpleto ang lahat kapag nagpakasal tayo. Yun ang kumpleto di ba?’’
“Ay oo nga! Nalimutan ko, ha-ha-ha!’’
“Gusto mo ng kasal o hindi?’’
“Siyempre gusto.’’
“Bakit nalimutan mo ang kasal?’’
“Hindi ko nga naalala.’’
“Baka gusto mo live-in na lang.’’
“Ay ano ka sira?’’
Nagtawa si Gino.
“Gusto ko sa simbahan tayo. Kahit simple lang ang kasal okey na sa akin. Basta sa simbahan at may mga abay tayo at mga ninong at ninang. Kaunting salu-salo at yun okey na sa akin.’’
“Tapos magha-honeymoon…’’
Kinurot ni Eliz si Gino.
“E di iplano na natin ang kasal. Next year i-set natin. Makakapag-ipon pa tayo,” sabi ni Gino.
“Sige.’’
“Sabihin natin kay Manang ang plano. Baka may suhestiyon siya.’’
Kinausap nila si Manang.
“Manang, balak na namin ni Eliz na magpakasal next year. Ano po sa palagay mo?’’
“Aba walang akong tutol. Magkasundo naman kayo kaya wala problema. Palagay ko may mga ipon na kayo. Kaya sige magpakasal na kayo. Para rin magkaapo na ako.’’
Itutuloy