Tres Queridas (38)

TAHIMIK ang loob ng sasakyan habang binabagtas nila ang malubak na kalsada patungo sa hilagang bahagi ng Isla Balod. Mula sa likurang upuan, nakatitig lang si Diana sa bintana, ngunit ang kanyang pansin ay pabalik-balik sa dalawang nasa harapan niya na si Celeste at Jack. Si Jack ang nagmamaneho.

Sa kabila ng tensiyon at puyat, napansin ni Diana ang kakaibang pag-aasikaso ni Jack kay Celeste. Nang dumaan ang sasakyan sa isang malaking lubak, sobra itong nag-alala kay Celeste.

“Okay ka lang, Mam?” tanong ni Jack.

“Wala, nagulat lang ako.”

Nang makasigurong hindi nasaktan si Celeste, saka lang nito napansin si Diana.

“Ikaw po, Mam Diana, okay ka lang po ba?”

Sumenyas lang si Diana sa rearview mirror ng “thumbs up” at ngumiti lang kay Jack.

“Baka nauuhaw ka na Mam Celeste,” alok ni Jack habang inaabot ang isang bote ng tubig na sinadyang binuksan na niya para kay Celeste. “Medyo malayo pa ang biyahe.”

Inabot iyon ni Celeste. Tumingin ito kay Jack at nagpakita ng isang matamis na ngiti, isang eks?resyon na matagal nang hindi nakikita ni Diana. “Salamat, Jack,” sagot ni Celeste, marahang napadampi ang kamay ng lalaki habang kinuha ang bote.

Tahimik lang si Diana habang pinagmamasdan ang dalawa. May matamis at magaan na ugnayan sa pagitan ng dalawa na tila lumalampas na sa karaniwang relas?on ng kliyente at bodyguard. Ngunit habang nakatitig si Diana sa mukha ni Jack habang nagmamaneho ito, ang matalas nitong panga, ang bagsak ng buhok sa noo, at ang paraan ng paggalaw ng mga mata habang nagmamasid sa kalsada, biglang nanlamig ang buong katawan ni Diana.

Halos huminto kaniyang paghinga. Kahit mas matangkad at mas maskulado ang katawan ni Jack, may angking hawig ito sa isang lalaking kila?ang-kilala nila. Si Carlo.

Tumindig ang balahibo ni Diana. Naisip niya: Nagkataon lang ba na halos kapareho ni Carlo ang itsura at tindig ng lalaking napili ni Celeste na hingian ng tulong? Habang patuloy na lumalapit ang sasakyan sa abandonadong shipyard, panibagong pagdududa ang nadama ni Diana habang nakatitig kay Jack. (Itutuloy)

Show comments