^

Punto Mo

Imago (81)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

LUMABAS si Maya sa silid matapos niyang i-swipe ang keycard sa pinto. Ang pinto ay bumukas nang walang gaanong ingay, ngunit ang bumungad sa kanya ay isang malamig at maitim na pasilyo na may umaanod hanggang bukong-bukong na tubig-dagat.

Ang bawat paghakbang ay kailangan niyang gawin nang napakabagal upang hindi gumawa ng anumang tilamsik ng tubig sa gitna ng katahimikan. Ang pader ay gawa sa kinakalawang na bakal, habang ang pulang ilaw sa kisame ay patay-sindi na nagtatapon ng mga kakaibang anino sa ibabaw ng tubig.

Sa kalayuan nang malawak na pasilyo, nari­nig ni Maya ang boses nina Elena at ng driver.

Mabilis na idinikit ni Maya ang kanyang likod sa isang hilera ng mga sirang locker na bakal. Nakita niya ang dalawang anino sa kalayuan na nakatayo sa tabi ng gilid ng lalagyan ng kargamento. May hawak na walkie talkie si Elena habang nakatitig sa bukas na pinto ng pangunahing bodega.

Hawak ni Maya ang pipe wrench sa kanang kamay, habang ang kanyang kaliwang kamay ay nakadikit sa bulsa kung saan nakatago ang 9mm na baril.

Hindi pa ito ang oras upang magpakita­, bulong­ niya sa sarili.

Alam niyang mas makabubuti sa kanyang kalagayan kung hahayaan niyang mauna si Elena sa loob ng pasilidad. Gagamitin niya ang mga anino at ang binahang pasilyo upang sundan sila nang hindi napapansin. Sa dahan-dahang paggalaw ng mga anino sa kalayuan, humakbang muli si Maya nang patingkayad sa tubig alat, patuloy na sumusunod sa dilim. (Itutuloy)

IMAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with