Lyndon B. Johnson at ang mga eskandalosong kuwento sa White House
May 20, 2026 | 12:00am
- Sa lahat ng naging Presidente ng U.S., si Lyndon B. Johnson ang pinaka-dirty old man. Siya ang 36th US President mula 1963 to 1969. Kung ang ibang pinuno ng bansa ay okupado ang isipan kung paano pauunlarin ang kanyang bansa, si Johnson ay abala sa pag-iisip kung paano niya aalagaan at ipagyayabang ang kanyang penis na may nickname na “Jumbo”.
- Very proud siya sa kanyang ‘alaga’. Kapag may tao sa kanyang paligid habang siya ay umiihi sa urinal, hahawakan niya ang kanyang penis at ipapakita ito habang inihahataw-hataw sa ere na parang batuta. Tapos magdadayalog siya ng: “O, ngayon lang kayo nakakita ng ganito kalaki, ano?”
- Kapag umoorder siya ng kanyang pantalon, idedetalye pa niya ang size ng kanyang penis para mabigyan ito ng sapat na space sa pundiyo.
- Madalas ding ikuwento ng mga dating staff niya na halos wala siyang concept ng privacy. Habang may meeting o kausap sa opisina, bigla na lang siyang papasok sa banyo nang hindi pina?aalis ang kausap. Tuloy pa rin ang usapan kahit nakaupo siya sa inidoro. Para kay Johnson, sayang daw ang oras kung hihinto pa ang meeting dahil lang sa pagdumi o pag-ihi.
- Isa sa mga pinaka-weird niyang gawain ay ang madalas niyang paglalakad sa White House na halos hubad. Ayon sa ilang bodyguards at aides, komportable raw siyang naka-underwear lang habang may kinakausap na senador o bisita. Wala siyang pakialam kung naiilang ang mga tao sa paligid niya.
- Kilala rin siya sa sobrang kabastusan ng kanyang biro. Kapag may political rival o reporter na bumabatikos sa kanya, minsan ay sasagutin niya ito ng green jokes o kaya’y magyayabang tungkol kay “Jumbo” para lang ma-intimidate ang kaharap. Ginagamit niya ang kanyang pagiging bastos bilang paraan ng pagpapakita ng dominance.
- May kuwento rin na minsan ay bigla niyang ipinakita ang peklat ng kanyang operasyon sa tiyan sa harap ng mga bisita. Imbes na simpleng iangat ang polo, halos buong katawan niya ang ilantad habang ipinapaliwanag ang detalye ng operasyon. Shocked ang mga tao pero tila aliw na aliw si Johnson sa reaksyon nila.
- Ayon sa ilang historians, parte raw ito ng kanyang personalidad bilang sobrang overpowering at attention-seeker. Mahilig siyang manggulat, manghiya, at gawing uncomfortable ang ibang tao dahil pakiramdam niya mas lumalakas ang kanyang impluwensiya kapag kontrolado niya ang sitwasyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended















