^

Punto Mo

Pagpirma sa notice of termination

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Na-terminate po ako sa trabaho. Pinadalhan nila ako ng Notice of Decision/Termination sa email. Kailangan ko bang pirmahan iyon? Kung hindi ko pipirmahan, makaaapekto po ba iyon sa balak kong mag-file ng illegal dismissal case? Paano po kung hindi nila ako i-clear o may i-deduct sila sa last pay ko dahil hindi ako pumirma? – Andy

Dear Andy,

Ang Notice of Decision o Notice of Termination ay bahagi ng tinatawag na twin notice requirement sa due process ng pagtanggal ng empleyado. Ang unang notice ay ang Notice to Explain, at ang ikalawa ay ang Notice of Decision na nagsasaad ng resulta ng imbestigasyon at ng desisyon ng employer. Ang mahalagang punto rito ay ang notice ay kailangang maibigay sa empleyado, pero hindi naman kinakailangang pirmahan ito ng empleyado upang maging valid o magkabisa ang termination. Ang pirma ng empleyado sa Notice of Decision ay karaniwang patunay lamang na natanggap niya ang dokumento, pero hindi awtomatiko na siya ay sumasang-ayon sa nilalaman nito.

Ibig sabihin, ang hindi pagpirma sa Notice of Decision ay hindi nagpapawalang-bisa sa termination, at hindi rin nito pinapahina ang iyong posibleng illegal dismissal case. Ang mahalaga ay kung nasunod ba ng employer ang substantive at procedural due process, hindi kung pumirma ang empleyado sa notice. Ang pirma sa ganitong dokumento ay karaniwang nangangahulugan lamang ng acknowledgment of receipt, ngunit kung ang pinapapirmahan sa iyo ay may nakasaad na tila pag-amin o pagsang-ayon sa desisyon, may karapatan kang tumangging pumirma kung hindi ka sang-ayon sa nilalaman.

Tungkol naman sa clearance at last pay, hindi ka maaaring parusahan ng employer kung tumanggi ka na pumirma. Ang final pay ay binubuo ng sahod na kinita mo, prorated 13th month pay, at iba pang benepisyo na naipon mo, at hindi ito maaaring basta-basta ipagkait. Maaari lamang magkaroon ng deductions kung ito ay pinapahintulutan ng batas, tulad ng may malinaw na utang ang empleyado sa kumpanya at may authorization to deduct, o may hindi naibalik na company property. Ngunit ang simpleng hindi pagpirma sa termination notice ay hindi legal na basehan upang hindi ka i-clear o para kaltasan ang iyong final pay.

Kaya hindi mo kailangang pirmahan ang Notice of Decision na nagtatanggal sa iyo sa trabaho at hindi rin dapat ito makakasama sa iyong isasampang illegal dismissal case. Ang pirma ay karaniwang patunay lamang ng pagtanggap sa notice of decision at hindi pagsang-ayon. Kung ikaw naman ay sakaling pumirma, pinakainam na dagdagan mo ang pirma mo ng “signed under protest” o ng iba pang mga kaparehong mga pahayag upang malinaw sa dokumento na ang pagpirma ay ukol lamang sa pagtanggap ng notice at hindi iyon pag-sang-ayon sa anumang nilalaman ng desisyon.

NOTICE OF TERMINATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with