^

Punto Mo

‘Silip’ (Part 7)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKALABAS ako ng ospital makaraan ang dalawang linggo. Sabi ng doktor, maaari na akong magpagaling sa bahay. Huwag daw akong gagawa ng mabigat. Dahil sa nangyari, absent ako sa school. Kinausap ni Tatay ang principal at class adviser ko. Ipinaliwanag ang nangyari sa akin.

Tinanong ni Tatay kung bakit ako nahulog sa punong mangga. Siyempre hindi ko sinabi na “naninilip” ako kaya nasa itaas ng mangga.

“Namimitas ako ng mangga nang kagatin ako sa singit ng ligha, Tatay,’’ sabi ko. Ang ligha ay langgam na pula na masakit kumagat. “Nakabitaw ako sa pagkakakapit sa sanga at nahulog.”

“Kaya huwag ka nang aakyat sa mangga. Mabuti na lang at hindi ang ulo mo ang tumama sa lupa—baka nabali ang leeg mo. Huwag ka nang kukuha ng mangga.”

“Opo Tatay.”

“Pero nasaan ang mga napitas mong mangga? Wala naman akong nakita sa paligid nang daluhan kita.”
Natulala ako. Pero nakapag-isip ako ng paraan.

“Kaaakyat ko lang Tatay nang kagatin ng ligha. Hindi pa ako nagsisimulang mamitas.”

Tumingin nang deretso sa akin si Tatay. Parang hindi naniniwala.

Itutuloy

SCHOOL

STUDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with