^

Punto Mo

Practical tips

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Kapag balisa ka, kumain ng fat-free yogurt or 2 kutsarang walnuts o kahit anong nuts. Taglay ng mga ito ang amino acids na nagpapakalma ng kalooban.

• Gusto mong magsunog ng calories habang natutulog? Uminom ng isang tasang green tea bago matulog. Ang green tea ay nagpapabilis ng metabolism.

• Mas nakakarelaks, nakapagpapasaya at nagpapakalma ng kalooban kung ang pinapakinggan mong music ay malakas ang volume.

• Para hindi maasar sa mga batang naghaharutan sa paligid mo, isipin mo na lang na sila ay “little drunk men”.

• Kapag nakikinig ng music habang nagwo-work out, makakaya mong magbuhat ng mas mabigat na dumbbell or barbell kaysa dati mong binubuhat, 15 percent more.

• Kumain lagi ng pakwan. Pinatunayan ng mga scientists na pinaluluwag nito at pinaparelaks ang daluyan ng dugo kaya naiiwasan ang high blood pressure. May epekto rin ito nang kahalintulad sa Viagra.

• Ang pag-inom ng kape bago mag-workout ay nagpapabilis ng metabolism at tumutulong sa fat-burning process.

• “Fruit of Happiness” ang tawag sa saging. Kaya kumain kahit isang piraso sa umaga para masimulan mo ang araw sa magandang mood.

• Mas mabilis kumain, mas mabilis tumaba. Base sa pag-aaral ng mga scientists, 4 pounds a month ang nadadagdag na timbang sa mabilis kumain samantalang sa mabagal kumain ay 1.5 pounds lang.

YOGURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with