^

Punto Mo

Mayang (186)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGPATULOY si Lolo Nado sa pagkukuwento ng masasayang kahapon nila ni Lola Encar.

Excited namang nakikinig sina Jeff at Mayang. Humanga sila nang labis sa pag-iibigan nina Lolo Nado at Lola Encar.

“Minsan naalala ko, naghahabulan kami sa ­parang ni Encar. Pagtakbo niya sa madamong bahagi, hindi pala pantay ang lupa kaya natabingi ang tapak niya—natumba siya.

“Napasigaw sa sakit si ­Encar. Dali-dali ko siyang ­dinaluhan. Umaaringking siya sa sakit. Nang hawakan ko ang bahaging iniinda ang sakit, napasigaw siya. Talagang masama ang pagkakatapak niya.

“Binuhat ko siya at dinala sa dampa na aming sinisilungan kapag matindi ang sikat ng araw at kapag malakas ang ulan.

“Inihiga ko siya sa sahig na kawayan. Ininspeksiyon ko ang bahagi ng paa niya. Nagulat ako sapagkat namamaga iyon.

“Hindi ko hinawakan ang bahaging iyon at sa halip ay nagpaalam ako kay Encar na kukuha ng dahon ng sambong na nakatanim sa paligid ng dampa. Ang sambong ay mahusay na pampaalis ng maga.

“Nang makakuha ako ng dahon ng sambong, gumawa ako ng apoy gamit ang mga sanga ng madre cacao. Itinapat ko sa apoy ang apat na dahon ng sambong. Nang malanta na ang dahon ng sambong, itinapal ko iyon sa bukung-bukong ni Encar. May mga kamiseta akong luma sa dampa. Pinunit ko ang ilan at ginawa kong p­angtali sa nakatapal na sambong sa bukung-bukong ni Encar.

“Dahil hindi siya makakalakad, ikinarga ko siya sa karmata na hinihila ng kalabaw. May dalawang kilometro rin kasi ang layo ng aming bukid sa bahay.

“Nagulat ako pagdating namin sa bahay at inspeksiyunin ko ang paa ni Encar, wala na ang pamamaga. Mahusay talaga ang dahon ng sambong.

“Makalipas ang dalawang araw, nakakalakad na si Encar. Pero sinabihan ko na huwag  na munang sasama sa akin sa bukid at huwag na rin akong hahatiran ng pagkain.

“Sabi ko, mas ­mabuting pagalingin muna niyang mabuti ang kanyang paa. Baka mamaga uli kung maglalakad siya sa bukid. Uuwi na lang ako sa oras ng almusal at tanghalian.

“Hindi ko rin muna siya pinagawa ng mga gawaing bahay gaya ng pagwawalis sa bakuran, paglalaba at paglilinis ng bahay. Ayaw ko kasing bumalik ang pamamaga ng paa ni Encar.

“Sabi sa akin ni ­Encar, baka raw malumpo na siya dahil hindi ko na siya pinagagawa sa bahay. Sagot ko naman, hindi naman nakakalumpo ‘yun. Basta ayaw ko siyang pagtrabahuhin.” (Itutuloy)

MAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad