^

Punto Mo

‘PALA’ (PART 12)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Ako rin Kuya, gusto ko ring magtapos ng college,’’ sabi ni Danilo sa akin.

“Oo siyempre makakapag-aral ka rin. Ano ba ang balak mong kunin sa college?’’

“Engineering din ang gusto ko Kuya.”

“Parehas tayo.”

“Sana marami pang ipagawa sa atin si Mam Socorro para marami tayong maipon na pera.’’

“Palagay ko marami pa siyang ipagagawa, Danilo.’’

Maya-maya, dumating si Itay. May dalang meryenda.

“Kumain muna kayong dalawa,’’ sabi ni Itay at ibinaba sa lupa ang meryendang niyubak na saging.

“Tapos na ba ang paglilipat n’yo ng seedlings ng gulay, Juanito?’’

“Matatapos na po, Itay.”

“Tamang-tama pagdating ni Mam ay kumpleto na ang kanyang vegetable garden. Marami na siyang maaani makalipas ang tatlong buwan.”

“Oo nga po Itay. Hindi naman po yata ipagbibili ang mga gulay sabi ni Mam.”

“Mayroon yatang restaurant ang anak na bunso na ang specialty ay kare-kare.”

“Ah kaya po pala.”

“Kaya gusto niya ay walang ilalagay na fertilizer sa mga gulay para raw masarap at walang kemikal.”

“Oo nga Itay. Kaya ang sabi ko kay Mam, bulok na dayami at mga dumi ng paniki ang inilagay namin.’’

“Oo. Tama yun. Tiyak matutuwa uli si Mam pagdalaw dito dahil halos napuno na ng gulay ang lupa niya.”

“Napakabait po ni Mam Socorro, Itay.”

“Oo mabait nga.”

MAKALIPAS ang isang linggo, muling dumalaw si Mam Socorro at hindi ko inaasahan na may mahalaga siyang sasabihin sa akin.

(Itutuloy)

DANILO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->