Psychiatrist kailangan ba sa ­pagpapa-annul ng kasal?

Dear Attorney,

Kailangan ba talagang kumuha ng psychiatrist kapag gustong ipa-annul ang kasal dahil sa psychological ­incapacity?­ —Jenny

Dear Jenny,

Kadalasan ay kumukuha ng psychiatrist kapag ang ground o ang dahilan ng pagpapawalang-bisa ng kasal ay ang tinatawag na psychological incapacity.

Dahil dito, nilinaw ng Korte Suprema sa kaso ng Tan-Andal v Andal (G.R. No. 196359. May 11, 2021) na ang konsepto ng psychological incapacity na matatagpuan sa Section 36 ng Family Code ay isang legal na konsepto at hindi tumutukoy sa isang sakit.

Ang tinutukoy lamang ng konsepto ng psychological incapacity ay ang kawalan ng kakayahan ng isang tao na gampanan ang kanyang mga marital obligations at hindi sa isang mental o personality disorder.

Sa madaling sabi, hindi kailangan ang isang psychiatrist basta makakapagpresenta ng malinaw at kapani-paniwalang na ebidensya para sa pagpapawalang-bisa ng kasal.

Show comments