Revolutionary govt, gustong ulitin?
NAGBUBUO diumano ng puwersa ang ilang retiradong opisyal ng AFP at PNP upang salungatin ang gobyerno ni President Bongbong Marcos at palitan ito ng revolutionary government.
Inamin ni Ret. Brig. General Eliseo Mijares Rio Jr. na may mga kabaro siya sa militar na hindi natutuwa sa nagiging takbo ng gobyerno ngayon.
Makailan na rin itong ibinulgar ni dating senador Antonio Trillanes at sinabing mga Duterte Diehard Supporters (DDS) ang ilan sa mga ito.
Hindi pa nabubura sa isipan ng mga Pilipino ang naganap na 1986 EDSA People Power Revolution. May nagsasabing coup d’etat ito na pinamunuan nina noo’y Defense Minister Juan Ponce Enrile at PC chief Brig. Gen. Fidel Ramos na sinuportahan ng Simbahang Katoliko.
Talamak ang bintang na nakawan sa gobyerno noon at naging isyu ang diumano’y pandaraya sa snap election ng noo’y nakaupong Presidente Ferdinand E. Marcos laban kay Corazon Aquino. Hanggang mapalayas at ma-exiled si Marcos at pamilya nito sa U.S. Ang saklap di ba?
Ipinasara ang Kongreso at Senado at nag-appoint muna ng mga officer-in-charge (OIC) sa local government. Mga Corista na “dilawan kuno” siyempre ang nakinabang, pero hindi naman nagpakita sa EDSA. Nanilaw sa pagtatago noon kay Apo Ferdie, he-he!
Bahagyang tumaas ang moral ng mga Pilipino noon, pero muling sumibol ang hinaing ng mamamayan dahil sa pagtaas ng mga bilihin. Umarangkada na naman ang korapsiyon at pagsasarili ng ilang kapanalig ni Presidente Cory Aquino. Pati isdang galungong ay nadamay. Yahoo!
Muling dinumog ng salot na pulitika ang buong bansa na nagmistulang “bangungot ng gising” sa mga Pilipino. Limang presidente pa ang nagsilbi sa bayan na nagbaon sa atin ng P13 trilyong utang. May dalawang Presidente pa ngang nakulong dahil sa bintang ng pagnanakaw di ba?
Gusto ba nating umulit pa?
- Latest