^

Punto Mo

EDITORYAL — Maging alerto sa mga ‘espiya’

Pang-masa
EDITORYAL — Maging alerto sa mga ‘espiya’

KALAGITNAAN ng Enero nang ­manggulantang ang mga sinasabing Chinese spies. Unang ­naaresto ng NBI at AFP ang isang Chinese at dalawang Pinoy sa Makati na nakuhanan ng mga gamit pang-espiya. Hanggang sa magkasunud-sunod na ang pagkaaresto sa Chinese spies. Anim na Chinese na ang nasa kustodiya ng mga awtoridad sa kasalukuyan. Kumikilos na rin ang Bureau of Immigration sa mga Chinese na pinaghihinalaang espiya.

Malaking usapin ang pag-eespiya sapagkat ang seguridad ng bansa ang nakataya. Kung hindi pagtutuunan ng pansin ang mga nahuhuling Chinese spies, baka sa dakong huli, nakasakmal na ang ­panganib sapagkat nakuha na lahat ang mahahalagang impormasyon. Bago pa makakilos, narito na pala sila sa bansa. Ang pagkakaaresto sa limang Chinese national sa Palawan noong nakaraang Huwebes ay nagpapakita na aktibo na ang pag-eespiya sa bansa. Nakapasok na ang mga ito at maaaring marami nang nakakalap na mahahalagang impormasyon. Malaki na ang nasakop ng kanilang pag-eespiya.

Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, ang pag-eespiya ng limang naarestong Chinese national sa Ulugan Bay at Naval Detachment Oyster Bay sa Palawan, at ganundin sa surveillance sa Naval dock ng Philippine Coast Guard ay seryosong usapin. Sinabi ni Año na titiyakin ng pamahalaan ang pagpapatupad ng batas at pananagutin ang mga sangkot sa espionage at intelligence operations.

Ayon pa kay Año, palalakasin ng pamahalaan ang counter intelligence at monitoring efforts sa bansa para sa mas matatag na national security. Hindi umano sila tumitigil sa paggawa ng paraan laban sa nag-eespiya.

Kinilala ang limang Chinese spies na naaresto sa Palawan na sina Cai Shaohuang, alyas Richard Tan Chua – lider ng grupo; Cheng Hai Tao; Wu Cheng Ting; Wang Yong Yi at Wu Chin Ren. Una nang naaresto sa Makati ang espiyang Chinese na si Deng Yuanquing na umano’y marami nang nabisitang military camps at nakapagsagawa na ng surveillance. Ayon naman sa Bureau of Immigration, 10 taon na sa bansa ang mga naarestong Chinese at ang ilan sa kanila may asawang Pinay.

Maging alerto sa mga Chinese spies. Maging mapagmasid din naman ang taumbayan para maireport ang mga kahina-hinalang Chinese. Baka ­magising na lamang ang lahat na sakmal na ng ­dayuhan ang Pilipinas.

CHINESE SPY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with