(PART 8)
NANG hindi ko makita ang babaing estudyante na nagbigay sa akin ng panyo, sinabi ko na kay Tita ang pangyayari. Sabi ko, ano ang gagawin ko sa pany?
“E di wala! Hindi mo makita ang babae, e ano ang gagawin mo?’’
“Kasi nag-aalala ako.’’
“Ba’t ka mag-aalala e panyo lang naman. At baka nagamit na yun. Itapon mo na kaya!’’
“Tita bago ang panyo! May label pa—mamahalin!”
“Talaga?’’
“Oo. Kaya nga namumroblema ako.’’
“Patingin nga!’’
Kinuha ko sa akong cabinet ang panyo at binigay kay Tita.
“Aba oo nga. Mamahalin ito. Hindi ito sa Divisoria nabibili!”
“Talaga Tita.”
“Oo! At bago pa nga—amoy bagong bili!’’
“Anong gagawin ko Tita!”
“Itago mo at baka magdala ng suwerte sa iyo. Baka diyan ka yumaman. Balatuhan mo ako ha?”
Nagtawa ako.
(Itutuloy)