NAGPATULOY sa pagkukunwari si Jeff na natutulog para makakuha pa ng mga inpormasyon kay Puri at sa kausap nitong lalaki sa cell phone. Posibleng mapag-usapan nina Puri kung saan makikita si Mayang. Kailangan lamang niyang paghusayan ang pagkukunwari na natutulog dahil sa kalasingan.
Naramdaman ni Jeff na naupo sa kinahihigaan niyang sopa si Puri. Marahan nitong kinapa ang bulsa ng pantalon ni Jeff. Sinalat ang pitaka sa likod na bulsa ng pantalon.
Nang masiguro na naroon ang pitaka, marahan na itinagilid si Jeff. Nang nakatagilid na, dahan-dahang kinuha ang pitaka.
Nang makuha ay iniayos ang pagkakahiga ni Jeff. Ibinalik sa pagkakatihaya. Halos hindi humihinga si Jeff habang ginagawa iyon ni Puri.
Nang maitihaya, tumayo si Puri at binulatlat ang pitaka.
Wala itong nakitang ATM card. May perang nakita pero halagang two thousand pesos lang!
Dahan-dahang iminulat ni Jeff ang mga mata. Nakita niyang may tinatawagan si Puri. Bakas sa mukha ni Puri ang pagkadismaya.
Nakontak nito ang tinatawagan.
“Hello Henry?’’
“O Puri!’’ sagot ng nasa kabilang linya. Malakas ang boses.
“Walang ATM sa pitaka!’’
“Sigurado ka?’’
“Oo. Binulatlat ko. Wala talaga!’’
“May pera ang pitaka?”
“Meron—two thousand!’’
“Akala ko ba paldo yan?”
“Sabi niya nakaipon siya nang malaki sa New Zealand.”
“E nasaan?’’
“Nasa ATM nga siguro ang pera.”
“Paano yan? Paano natin makukuha ang pera ng kumag?’’
“Ako ang bahala!’’
“Tulog pa ba?”
“Oo.”
“Gisingin mo at painumin mo uli. Tapos lambutsingin mo hanggang bumigay. Pero bago mo ibigay ang pipay mo, money down muna.’’
“Okey Henry.’’”
“Simutin mo ang pera ha?’’
(Itutuloy)