Troll farm ni Mayor Sotto, ginigiba ang mga kalaban!
May troll farm si Pasig City Mayor Vico Sotto na ang trabaho ay sirain ang mga kalaban niya sa pulitika at mga prominenteng Pasigueño? Kung si ex-Pasig City councilor Christian Sia ang tatanungin ay mayroon. Si Sia na tatakbo bilang congressman ng lone District ng Pasig sa 2025 midterm elections, ay humarap sa media kahapon kung saan ipinakita niya ang video at ipinaliwanag ang trabaho ng troll farm.
Hindi masabi ni Sia kung sino ang pomopondo ng milyones sa troll farm na gumagana noon pang 2019 elections. “Kung sino ang nakikinabang dito, tiyak siya ang pomopondo,” ani Sia, subalit hindi niya direktang pinangalanan si Sotto na nagwaldas ng pera ng siyudad para pondohan ang troll farm na nakabase sa 8th floor ng City hall ng Pasig. Ano ba ‘yan? Dipugaaa! Hehehe Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ayon kay Sia, napilitan silang magsagawa ng sariling imbestigasyon matapos ibulgar ng isang online news ng nakaraang linggo ang operation ng troll farm na kabilang sa sinisira ay si Sarah Discaya, ang mahigpit na kalaban ni Sotto sa darating na halalan.
At natuklasan ng team ni Sia na ang nasa likod ng troll farm ay si Maurice Mikkelsen Philippe Camposano, ang executive assistant ng City administrator at hepe ng political affairs ng siyudad. Si Camposano ay nag-oopisina sa malapit sa office ng City Administrator at ni Sotto sa 8th floor ng City Hall building.
“We’ve heard the mayor declare his negative comments about troll farms with disdain. At sinasabi niya na may resibo pa siya against sa mga luma at maruming estilo ng pamumulitika. ‘Yun pala may sarili siyang roll army sa bakuran ng City Hall,” ayon kay Sia, na isang abogado.
“May mga na-discover daw siya na trolls sa kaibigan niya, no wonder sa 8th floor lang pala sila pare-parehong nag-oopisina,” ang sabi pa ni Sia. Sanamagan! “It’s a case of the pot calling the kettle black. Sotto is becoming an expert in political gaslighting,” giit ni Sia. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sinabi ni Sia na naidentify na nila ang tatlong administrator’s ng troll farm ni Camposano na umalagwa noong 2019 at 2022 election. “The guy is holding an influential position in Sotto’s office is not even a resident of Pasig City. Pero ang operation n’ya ay sirain ang sinumang kukuwestiyon kay Sotto, kalaban man sa pulitika o simpleng mamamayan ng Pasig,” ani Sia.
Ang account na ginagamit sa ngayon ng troll farm ay Pasig Daily Updates na pinalitan nila ng Daily Updates of Mayor Vico. May iba pang account na ginagamit si Camposano at na-takedown dahil sa sobrang daming reklamo at ang ginagawa nila ay gagawa lamang ng panibagong account, ani Sia.
Ayon sa “virtual staff ph” ang rate ng singil ni Camposano bilang content operator ay $375 per hour o $30,000 per month na kung isasalin sa peso ay aabot sa P1.5 milyon. Wowww! Hehehe! Kanya[1]kanyang gimik lang ‘yan!
Dahil dalawa ang trabaho niya sa City Hall, dapat habulin ng Civil Service Commission si Camposano dahil sa aspetong double compensation. Hindi siya makakasuhan ng administratibo dahil nagresign na siya subalit aabutin siya ng cyber libel, na maaring maging si Discaya ay magiging complainant, ani Sia
Nanawagan pa si Sia kay Sotto na ipaliwanag niya sa Pasigueño ang operation ng troll farm na nakabase sa City Hall at kung sino ang pomopondo nito. “Baka naman sa taxes pa namin galing ang pondo,” aniya. Ang sakit sa bangs nito! Abangan!
- Latest