Ang taong mahilig umupo sa tabi ng bintana kapag nagbibiyahe ay nasisiyahan na magbiyaheng mag-isa.
Kapag malungkot ang isang tao, matagal siyang maligo at mas gusto niya ang hot bath para madama niya “inner warmth” na hinahanap niya.
Ang pagsasalita mag-isa na parang kinakausap mo ang iyong sarili ay nakauunlad ng talino.
Huwag mahiyang tumanggi kung hindi mo gusto ang ipinapagawa sa iyo. Pagpapakita lang ito na pinapahalagahan mo ang iyong boundaries.
Iwasang makipagtalo sa mga ignorante. Para kang nagdodrowing sa tubig na kahit anong gawin mo ay wala itong kahihinatnan. Ang isang halimbawa ay pakikipagtalo sa social media sa mga pakawalang trolls ng mga pulitikong corrupt.
Kung gusto mong nerbiyosin at tumigil sa kadadaldal ang annoying na kausap, tumitig ka sa kanilang noo.
Nagmumukha kang “innocent” kapag ang suot mo ay white.
Mukha ka namang “optimistic” sa damit na yellow.
Ang magiging dating mo ay mapagkakatiwalaan kung blue ang suot mo.
Nakatatanggal ng takot ang pagharap sa mga kinatatakutan mo.
Ang kalusugan mo ang iyong biggest asset. Kapag maganda ang iyong kalusugan, wala ka nang mahihiling pa. Everything else is secondary.