Subpoena na natanggap sa e-mail, totoo ba?
Dear Attorney,
Nakatanggap po ako ng subpoena sa email na nakalagay na kailangan ko raw mag-submit ng dokumento at counter-affidavit. Nakalagay po ang pangalan ng judge at branch ng korte. Totoo po ba ito o scam lang? —Jordan
Dear Jordan,
Bagama’t may mga issuances ang Supreme Court ukol sa electronic service o pagpapadala ng mga opisyal na dokumento mula sa korte sa pamamagitan ng e-mail, sa pamamagitan pa rin ng registered mail o personal service ang pangunahing pamamaraan ng pagbibigay-alam sa mga may kinalaman sa isang kaso.
Ang pinakamagandang gawin ay alamin mo ang official na number ng branch ng korte na nakasaad sa email na natanggap mo at tawagan ito. Banggitin mo ang pangalan ng kaso at case number na nakalagay doon sa subpoena at tanungin mo kung mayroon ba talagang ganong kaso na nakabinbin sa branch nila.
Kung wala naman palang ganoong kaso sa kanilang branch ay malamang na scam email lamang ang natanggap mo. Kung kumpirmahin naman na mayroon ngang ganoon ngang kaso sa kanilang branch, mainam na humanap ka na ng abogado na maaring mag-handle ng kaso mo upang mabigyan ka na ng karampatang representasyon at payong legal para sa kasong kakaharapin mo.
- Latest