Pinakamaliit na excavator sa mundo, naimbento ng isang lalaki sa US!
ANG Nano Tracks N320 ay isang miniature remote-controlled excavator na bagama’t 1/64 lamang ng aktwal na laki ng tunay na excavator, ay hindi isang laruan kundi isang fully functional na excavator.
Ayon sa website ng Nano Tracks N320, ito ay may anim na 6 fully independent, proportional motors, na nagbibigay ng precise control sa bawat galaw. Mayroon rin itong electronic slip ring, at mga independently controlled boom, dipper, bucket, swing, at mga track.
Sa panayam kay Jonathan Abbott, ang nag-imbento ng Nano Tracks N320, nagsimula ito dalawang taon na ang nakalilipas nang madiskubre niya sa YouTube ang isang hobbyist group na naglalaro gamit ang maliliit na remote controlled excavators.
Nasiyahan siya, kaya nagsimula siyang maghanap ng mga ganitong uri ng excavators online, ngunit walang nakita. Doon niya napagpasyahan na bumuo ng sarili niya.
Matapos gumugol ng 2,300 hours sa pagbuo nito, nagtagumpay siya at inilunsad ito sa Kickstarter, para makalikom ng pondo para makapag-produce nito nang marami at maibenta commercially.
Sa kasalukuyan, nagkakahalaga ng $120 ang isang Nano tracks N320.
- Latest