^

Punto Mo

Mahal na renta

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NAKAKALULA naman ang rentang P90,000 para sa safehouses at meron pa raw P1 milyon. Napakamahal naman nito. Napakaganda siguro ng safehouses sapagkat ubod ng mahal ng renta. Masyadong kontrobersiya ang mahal na safehouses.

Ito ay ang mga safehouses na nirentahan umano ng Office of the Vice President (OVP ) noong 2022 at ang nagastos ay umabot sa P16 milyon sa loob lamang ng 11 araw. Ang pondo ay mula sa confidential funds ng OVP.

Ayon sa mga kongresista na nag-iimbestiga kung saan at paano ginastos ang P16 milyon, nagrenta raw ang OVP ng 34 safehouses sa loob ng dalawang linggo at dito naubos ang pondo. Ang pinagpuputok ng butse ng mga kongresista, walang dokumento o mga resibo kung paano ginastos.

Sabi ni House Assistant Majority Leader Paolo Ortega, may karapatan ang publiko na malaman kung paano ginastos ng OVP ang confidential fund. Bakit daw sa loob ng maikling panahon ay naubos ang P16 milyon. Pera ito ng taumbayan kaya dapat daw “under oath” na ipaliwanag ito ni Vice President Sara Duterte.

Lalo nang nagkaroon ng hinala ang mga kongresista nang lumabas naman sa pagdinig ng Committee on Good Government na ginamit umano ng DepEd habang si Sara ang secretary, ang sertipikasyon mula sa Armed Forces of the Philippines upang palitawin na ginastos ang confi­dential funds sa Youth Leadership Summit (YLS). Subalit ayon sa testimonya ng military officials, kanya-kanya silang gastos at walang ibinigay na pondo para rito si Sara.

 

Masyadong malalim ang kontrobersiya sa P16 milyong confidential funds na ginastos sa loob ng maikling panahon. Dapat pang hukayin ang kailalim-ilaliman para makita ang katotohanan.

At mangyayari lamang ito kung dadalo si Sara sa pagdinig at ipaliwanag kung paano ito nagastos. Kung hindi siya dadalo magpapatuloy ang isyu sa confidential funds at lalong makakaladkad ang kanyang pangalan.

RENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with