^

Punto Mo

Sinaunang banga na naka-display sa isang museum sa Israel, aksidenteng nabasag ng isang bata!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG sinaunang jar mula pa sa panahon ng Bronze Age ang aksidenteng nabasag ng isang 4-year-old na bata sa Israel!

Noong nakaraang Agosto, bumisita ang pamilya Geller sa Hecht Museum sa Haifa, Israel. Ayon sa ama ng pamilya na si Alex, hinayaan niya ang kanyang mga anak na maglibot mag-isa sa museum.

Matapos ang ilang minuto na kanilang paghihiwalay ay umalingawngaw sa buong museo ang tunog ng isang nabasag na gamit. Kinabahan si Alex at humiling siya na huwag sana ang kanyang mga anak ang sanhi ng tunog na ito.

Nagkatotoo ang kinatatakutan ni Alex nang lapitan siya ng staff ng museum para sabihan siya sa nagawa ng kanyang bunsong anak. Ang nasira ng kanyang anak ay isang jar na mula pa noong Bronze at tinatayang ito’y mahigit 3,000 years old.

Madali itong nabasag ng anak ni Alex dahil hindi ito nakalagay sa estante at malaya itong nahahawakan ng mga museum visitors.

Pero imbis na pagbayarin ang pamilya Geller ay ginawa itong oportunidad ng Hecht Museum para ipakita sa publiko kung paano nila nire-restore ang mga nasirang artifacts.

Inimbitahan nila na bumalik ang pamilya Geller sa museo at ipinakita dito ang restoration process ng nasirang jar.

Dalawang linggo matapos ang aksidenteng pagkabasag ng jar, nai-display na muli ito sa museum. Halos walang nagbago sa jar maliban na lang sa nakapaskil dito na “Please Don’t Touch”.

vuukle comment

ARTIFACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with