WALA akong nagawa kundi ang tanggapin ang kapalaran na tanging sa lugar na malapit sa kabaungan kami tumira. Sabi ni Tatay malaki ang aming matitipid sa pagtira sa bahay dahil bukod sa mura ang renta ay libre ang tubig. Ang may-ari ng bahay ay pinsan ni Tatay na naninirahan na sa Canada. Malaki ang bahay at konkreto.
Yun nga lang, bago makarating sa bahay ay kailangang dumaan sa tindahan ng kabaong. Walang ibang dadaanan patungo sa bahay kundi ang kalsadang iyon na kinaroroona ng gawaan ng kabaong.
Malaki ang gawaan ng kabaong. Nag-iisang kabaungan sa aming bayan. Yumaman ang may-ari dahil sa paggawag ng kabaong. Nabili na ang katabing lote at doon ang showroom ng mga kabaong na karamihan ay gawa sa mga matitibay na kahoy.
Dahil nga sobra ang takot kong makakita ng kabaong kapag dumadaan ako sa tapat ng tindahan ay tuwid na tuwid ang aking ulo. Hindi ako tumitingin sa tindahan.
Bumabaling lamang ang leeg ko kapag malayo na ako sa kabaungan.
Pero kung ano ang kinatatakutan ko, yun naman ang parang tukso na bigla akong nakapasok sa loob ng kabaungan.
Nalaman ko na lamang nagtatago sa pagitan ng mga kabaong. (Itutuloy)