^

Punto Mo

Lalaki, nakatanggap ng Guinness matapos yakapin ang puno nang mahigit 24 na oras!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG journalist sa Ghana ang nakapagtala ng world record matapos yakapin nang walang pahinga ang punongkahoy nang mahigit 24 na oras! Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Abdul Hakim Awal ang bagong world record holder ng titulong “Longest Time to Hug a Tree” matapos yakapin ang puno sa loob ng 24 na oras at 21 minuto.

Hindi katulad ng ibang marathon sa Guinness, ang mga susubok sa titulong ito ay hindi maaaring mag-breaktime dahil buong oras ng kanilang record attempt, dapat nakayakap sila sa puno. Ayon kay Abdul, ginawa niya ito upang hikayatin ang mga kabataan na magtanim ng puno at maimulat sa masamang dulot ng deforestation.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with