^

Punto Mo

EDITORYAL - Titiisin na lang ba pagsira ng China sa PCG vessels?

Pang-masa
EDITORYAL - Titiisin na lang ba pagsira ng China sa PCG vessels?

HINDI pa ba sapat ang mga ginawang pagbangga at pagsira ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) para hingin ang tulong ng United States? Malinaw naman sa mga nakuhang video na may intensiyon ang CCG na wasakin ang PCG vessels. Hindi iyon aksidente kundi sinadyang binangga na ikinasira ng mga barko ng Pilipinas.

Sa loob ng isang linggo, dalawang beses binangga ng mga barko ng CCG ang mga barko ng PCG na nagdulot nang malaking pinsala. Ang huling pagbangga ay naganap noong Lunes, isang araw makaraang banggain din ng CCG ang barko ng Bureau of Aquatic Resources (BFAR) na BRP Datu Sanday sa Escoda Shoal. Nabutas ang tagilirang bahagi ng barko. Bukod sa pagbangga, binomba pa ng tubig ang Datu Sanday na maghahatid sana ng tulong sa mga mangingisda sa shoal. Maraming equipment ang nabasa sa sobrang lakas ng pagbomba.

Ang insidente noong Lunes ay matindi sapagkat pinaligiran ng anim ng CCG vessels ang dalawang PCG vessels at saka binangga. Nasira ang tagiliran ng dalawang barko at may mga nasirang equipment sa lakas ng impact.

Patungong Escoda Shoal ang BRP Engaño at BRP Cabra para sa resupply mission sa BRP Teresa Magbanua. Naglitawan ang CCG vessels at mga barko ng People’s Liberation Army at pinaligiran ang mga barko ng PCG. Nag-radio pa ang CCG at sinabing pumasok daw sa kanilang teritoryo ang PCG vessels. Hindi tinantanan ang dalawang PCG vessels at nang maabot, binangga!

Noong Agosto 20, dalawang barko rin ng PCG ang binangga ng CCG habang nagpapatrulya. Unang binangga ang BRP Engaño dakong 3:24 ng madaling araw habang nagpapatrulya sa Patag at Lawak Islands. Sa lakas ng pagbangga, nawasak ang kanang tagiliran ng BRP Engaño at nagkaroon nang malaking butas.

Sunod na binangga ang BRP Bagacay dakong 3:40 ng madaling araw. Dalawang beses binangga ang Bagacay ng CCG vessel 21551 at tinamaan ang starboard beam ng barko at nabutas. Naganap ang pagbangga malapit sa Escoda Shoal.

Makaraang banggain, ang China pa ang naghain ng protesta dahil ang PCG vessels daw ang bumangga sa kanila. Bukod dito naghain din ng diplomatic protest ang China dahil daw sa ilegal na pananatili ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal kahit nasa loob ito ng Philippine exclusive economic zone.

Sa pagbangga sa dalawang PCG vessels, maghahain daw ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China. Hindi na ba nagsasawa sa ganitong paraan? Bakit hindi na hingin ang tulong ng U.S. ukol sa nangyayaring ito? Para malaman din kung tunay ang sinasabi ng U.S. na handa nilang tulungan ang Pilipinas sa ginagawang panghihimasok ng ibang bansa. O salita lamang nila ito?

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with