^

Punto Mo

Maid of Honor (228)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PAGKATAPOS maisuot ni Rocky ang singsing sa daliri ni Inah ay mahigpit niyang niyakap ang dalaga.

“Mahal kita, Inah. Sana, ganyan din ang nadarama mo para sa akin,’’ sabi ni Rocky.

“Magpapayakap ba ako sa’yo kung hindi kita mahal. Noon pa, minahal na kita. Ikaw nga lamang ang walang pakiramdam. Nung sinagip mo ako nang tangayin ng alon, akala ko magtatapat ka na sa akin. Akala ko sasabihin mo sa akin noon na mahal mo ako, pero wala akong narinig…naisip ko meron kang ibang mahal.’’

“Naghihintay lamang ako ng tamang panahon, Inah kaya hindi ako makapagtapat.’’

“Akala ko may ibang babae na sa buhay mo kaya ka hindi nagtatapat.’’

“Wala. Ikaw lang. Kaya nga ako nagtungo rito sa probinsiya n’yo e para makita ka at maging kasama na habambuhay. Sinabi ko lamang na naghahanap ako ng trabaho pero ang totoo, ikaw talaga ang sadya ko rito. Ikaw lamang ang babae sa buhay ko.’’

“Paano ang pangako mo sa iyong namatay na asawa? Di ba sabi mo walang makakapalit sa iyong puso ang namatay na kabiyak?’’

“Maiintindihan na niya ako. Sinabi naman niya noon na kapag namatay daw siya e humanap ako ng babaing magpapaligaya sa akin—yung tunay ang pag-ibig at hindi kailanman magsasawa—at ikaw ang babaing yun, Inah.’’

“Mahal mo talaga ako kahit na mayroon akong mapait na pinagdaaanan sa kamay ng sindikatong Intsik na nagbulid sa akin sa prostitusyon?’’

“Hindi mo naman ginusto yun. Pinilit ka ng sindikato at wala kang magawa. Wala kang kasalanan, Inah.’’
Napahagulgol si Inah.

Niyakap ni Rocky ang dalaga. Mahigpit na mahigpit. Ipinadama niya ang tapat na pagmamahal kay Inah.

“Hindi ka na mag-iisa at malulungkot, Inah. Kasama mo ako saan ka man pumunta.’’

Tumigil si Inah sa pag-iyak. Pinahid ni Rocky ang luha ni Inah sa pisngi.

“Alam mo ba kaya ako nagpunta sa bahay mo sa Marikina nun? Gusto kitang makita at samahan. Nalaman ko kasi na mula nang mamatay ang iyong asawa, e nawalan ka na ng sigla at pag-asa sa buhay. Sabi ko, baka sakaling magbago ang isip mo kapag napagpaliwanagan kita. Pero wala ka nga sa bahay mo. Alam mo, lungkot na lungkot ako nun. Nag-aalala ako na baka kung ano na ang nangyari sa iyo. Wala kasing makapagsabi kung nasaan ka.’’

“Mabuti pala talaga at nagtungo ako rito. Talaga palang noon pa ay mahal mo na ako, Inah. Talaga ba?’’
“Oo.” (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with