^

Punto Mo

Kaso ng incest rape lumalala

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MULING naalarma ang Department of Justice (DOJ) sa paglala ng kaso ng incest rape o panggagahasa ng kamag-anak o kadugo.

Ito ang nabatid kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, sa isinagawang pagdinig sa panukalang 2025 budget ng DOJ.

Base umano ito sa data na ibinigay ng isang NGO na sumusuporta sa isinusulong nilang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC), mahigit sa 500 ang naitalang kaso ng rape sa buong bansa.

Bukod sa rape, nakakaalarma rin, ayon sa kalihim ang pagtaas ng kaso ng child pornography na hindi ito dapat ipagsawalang-bahala ng gobyerno.

Dapat lang talaga mabigyan ng kaukulang proteksiyon lalo na ang mga kabataan na ang masaklap pa nga ay naaabuso ng kanilang mga mahal sa buhay o ka-pamilya.

Nabatid na noon lamang 2023, nasa 21,423 ang aktuwal na kaso ng panggagahasa na naihain sa korte.

Nagiging epidemic proportions na umano ang nangyayari at ang nakakalungkot ay nananatiling tahimik ang marami.

Ayon kay Remulla, hindi napapa-usapan pero napakabigat na problema na dapat agad na matugunan.

Kailangan na umanong magkaroon ng ‘whole government approach’ para mapigilan ang lumalalang problemang ito.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with