^

Punto Mo

Paano ­nagsimulang tawaging ‘First Lady’ ang misis ng ­Presidente?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Noong unang panahon, ang misis ng U.S. President ay tinatawag na “Mrs. President” o “Mrs. Presidentress”, depende sa misis kung ano ang gusto niyang itawag sa kanya.

• Si Mrs. Martha Washington, ang misis ng pinakaunang Presidente ng U.S. na si George Washington ay hindi tinawag na First Lady dahil hindi pa ito uso. Ang tawag sa kanya ay “Lady Washington”.

• Ang misis ni John Tyler, 10th President ng U.S. ay tinatawag na Queen of the House.

• Noong June 12, 1843, may sinulat na artikulo sa Boston Courier si Lydia Sigourney na may pamagat na “Martha Washington”.

• Sa artikulo, ginamit niya sa kauna-unahang pagkakataon ang salitang First Lady para tukuyin ang maybahay ng Presidente na si Martha. Pero wala pang pumansin sa salitang “First Lady” noon.

• Nauso ang pagtawag ng First Lady noong ang nakaupong Presidente ng U.S. ay isang binata, si 15th U.S. President James Buchanan. Dahil wala siyang misis, ang itinakda niyang official White House Hostess ay ang kanyang 27-year-old na pamangkin na si Harriet Lane. Bilang paggalang, tinawag siyang “First Lady of the Land” ni Frank Leslie sa kanyang 1860 article sa Illustrated Newspaper. 

• Ang pagtawag ng “First Lady of the Land” o “First Lady of the Republic” ay ginamit ng American press hanggang sa paikliin na lang ito sa “First Lady”.

vuukle comment

PRESIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with