^

Punto Mo

EDITORYAL - Maghigpit sa pagtatapon ng basura upang walang sakit

Pang-masa
EDITORYAL - Maghigpit sa pagtatapon ng basura upang walang sakit

MARAMING nagkalat na basura sa kung saan-saan. Kapag bumaha, inaanod ang mga ito at bumabara sa pumping stations. Masisira ang pumping stations at lulubha ang baha.

Pero hindi lamang ito ang nililikhang pinsala ng mga tinapong basura, mas matindi pa sapagkat dito nagmu­mula ang pagkalat ng mga sakit gaya ng leptospirosis at dengue. Sa pagdami ng basura, dumami rin ang kaso ng mga nabanggit na sakit.

Nang bumaha sa Metro Manila noong Hulyo 24 dahil sa habagat at Bagyong Carina, lumutang ang mara­ming basura. Nang humupa ang baha, nagkalat ang mga ito sa kung saan-saan. Ang basura ang dahilan kaya maraming daga na ang ihi ay humalo sa baha na nagdudulot ng leptospirosis. Tumaas ang kaso ng leptospirosis, dalawang linggo makaraang bumaha.

Tumaas din ang kaso ng dengue. Maraming lamok ang nangitlog sa tambak ng basura. Marami ring nangi­ngitlog sa mga tapyas ng gulong, plorera at mga botelyang walang laman. Sa dami ng mga nakatambak na basura, maraming lamok na may dengue ang naghasik ng lagim.

Noong nakaraang linggo, hinikayat ni President Ferdinand Marcos Jr. ang local government units (LGUs) na magpatupad ng mga hakbang para mabawasan ang basura upang maprotektahan ang kalusugan ng ma­ma­­mayan. Sa talumpati ni Marcos sa Second Local Go­vernance Summit 2024, sinabi ng Presidente base sa datos ng Department of Health (DOH) na ang dahilan sa pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis at dengue ay dahil sa hindi maayos na pagtatapon ng basura.

Tama ang Presidente sa kanyang sinabi sapagkat maraming mamamayan na walang disiplina sa pagta­tapon ng basura. Isang halimbawa na lamang ay ang mga informal settlers na ang ginagawang basurahan ay estero. Tapon nang tapon ng single-use plastic. Dahil naipon sa estero, hindi na makadaloy ang tubig at ang resulta ay baha. Kung maayos ang pagtatapon ng basura, walang mararanasang pagbaha at wala ring sakit na dengue at leptospirosis.

Dapat lang na ang LGUs ang magsimula ng mga hak­bang para maisaayos ang pagtatapon ng basura para hindi humantong sa mga estero at maging dahilan ng baha.

Isang paraan para malutas ang problema sa basura ay ang pagpapalakas sa mga ordinansa ng LGUs kabi­lang ang pagbabawal sa pagtatapon ng basura sa water­­ways. Parusahan ang mga mahuhuling magtatapon ng basura. Ipatupad ang recycling ng basura. Palitan ng bigas ang mga plastic na makokolekta. Sa ganitong paraan, mababawasan ang basura at ganundin ang sakit.

vuukle comment

GARBAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with